27/08/2026
Sa sesyon nito noong Agosto 26, 2026, pinal na tinanggihan ng En Banc ng ang ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ณ๐ฆ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ na inihain ni Datu Pax Ali S. Mangudadatu. Sa pag-aksyon nito sa G.R. Nos. 260219 at 260231, ๐๐ข๐ต๐ถ ๐๐ข๐น ๐๐ญ๐ช ๐. ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ต๐ถ ๐ท. ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ช๐ด๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ฏ ๐๐ญ๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ด, ๐๐ฉ๐ข๐ณ๐ช๐ง๐ข ๐๐ฌ๐ฆ๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ต๐ถ, ๐๐ป๐ฆ๐ญ ๐. ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ต๐ถ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ช ๐๐ญ๐ช ๐. ๐๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ, pinagtibay ng Korte ang nauna nitong desisyon na nagpanatili sa pagkansela ng ๐ค๐ฆ๐ณ๐ต๐ช๐ง๐ช๐ค๐ข๐ต๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ค๐ข๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฅ๐ข๐ค๐บ ni Mangudadatu para sa pagka-Gobernador ng Sultan Kudarat at inabandona ang โsecond placer rule.โ
Ayon sa Korte, dapat punan ng Bise Gobernador ang nabakanteng posisyon.
Tumutukoy ang โsecond placer ruleโ sa nakasanayang gawain na ideklarang panalo ang kandidatong nakakuha ng ikalawang pinakamataas na bilang ng boto kapag kalaunan ay napatunayang diskwalipikado o hindi kwalipikado ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.
Muling iginiit ng Korte Suprema na walang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng second placer rule. Binigyang-diin nito na kinikilala ng Konstitusyon bilang nahalal ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.
Paliwanag nito, nagkakaroon ng permanenteng bakante kalaunan kapag napatunayang hindi kwalipikadong manungkulan ang nanalong kandidato. Para sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng ๐๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฐ๐ฅ๐ฆ (๐๐๐), pinupunan ang naturang bakante alinsunod sa mga tuntunin sa succession o pagpapalit sa puwesto at hindi sa pamamagitan ng pagdedeklara sa second placer bilang nanalo. Alinsunod dito, ang Bise Gobenador ang hahalili sa posisyon ng Gobernador para sa natitirang bahagi ng termino.
Nilinaw ng Korte Suprema na limitado ang desisyon nito sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng LGC. Hindi nito tinalakay kung naaangkop o hindi ang ๐ด๐ฆ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ฅ ๐ฑ๐ญ๐ข๐ค๐ฆ๐ณ ๐ณ๐ถ๐ญ๐ฆ o mga tuntunin sa ๐ด๐ถ๐ค๐ค๐ฆ๐ด๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ sa mga pambansang halal na posisyon dahil hindi inilatag sa Korte ang mga usaping ito.
Ia-upload sa ๐ธ๐ฆ๐ฃ๐ด๐ช๐ต๐ฆ ng Korte Suprema ang buong teksto ng Resolusyon na may petsang Agosto 26, 2026 sa G.R. Nos. 260219 at 260231 kapag ๐ข๐ท๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ na.
Basahin ang ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐ฃ๐ณ๐ช๐ฆ๐ง๐ฆ๐ณ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171947.
Basahin ang buong teksto ng Desisyon ng Korte Suprema na may petsang Abril 25, 2025 sa G.R. Nos. 260219 at 260231 sa http://sc.judiciary.gov.ph/?p=146486.
Sumunod sa ๐๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต ๐๐ต๐ต๐ณ๐ช๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.