Quilang Law Office

Quilang Law Office Trial Lawyer | Notary Public | Law Professor⚖️

28/07/2026

Nagpasya ang na nananatiling may bisa ang bentahan ng lupa na magkaibang numero ng lote ang nakasaad sa kasulatan ng bentahan o deed of sale kumpara sa tunay na nabenta, basta’t malinaw na maipapakita ang totoong pinagkasunduan ng mga partido. Dahil dito, maaaring itama ang kasulatan para tumugma sa aktuwal na napagkasunduan ng magkabilang panig.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang bentahan ng isang 491 metro kuwadradong lupain sa Lungsod ng Cebu sa pagitan ng mga mamimiling sina Genara at Felipe Abay, Sr. (mga Abay) at ng mga nagbentang sina Crispin Caballes at mga tagapagmana ni Trinidad Caballes-Gallardo (mga Gallardo), sa kabila ng pagkakamali sa nakalagay na numero ng lote sa deed of sale.

Bahagi ang lupang ito ng ari-ariang naiwan ni Margarita Lopez na may siyam na anak, kabilang sina Crispin at Trinidad.

Binisita ng mga Abay ang lugar kasama si Crispin at si Tomas Gallardo, isa sa mga tagapagmana ni Trinidad, bago nila binili ang ari-arian. Sa kanilang pagbisita, ipinakita sa kanila ang mga hangganan ng lupa. Tumulong pa si Tomas sa mga Abay sa pagtatayo ng bakod sa paligid nito.

Tinirahan ng mga Abay ang ari-arian nang humigit-kumulang 20 taon. Naputol lang ang kanilang paninirahan nang pumasok dito ang mga manggagawa ng mag-asawang Jacinto at Chiok Ngo Lim Young (mga Young), sinara ang bakod, at nagtayo ng sarili nilang mga poste.

Nalaman ng mga Abay na isang titulo para sa ari-arian ang naisyu sa pangalan ng mga Young. Dahil dito, naghain sila ng reklamo sa Regional Trial Court (RTC) para maipakansela ang nasabing titulo.

Kinuwestiyon ito ng mga Gallardo at ikinatuwirang ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay tumutukoy sa ibang lote, ang Lot No. 6036-B, at hindi sa loteng kanilang tinitirhan na Lot No. 7. Bagama’t parehong matatagpuan sa iisang lugar ang dalawang lote, hiwalay na ari-arian ang mga ito at hindi magkatabi. Sinuportahan ng mga Young ang panig ng mga Gallardo at pinanindigang sila ay mga mamimili na may mabuting intensyon.

Nagdesisyon ang RTC pabor sa mga Abay, pero binaliktad ang desisyong ng Court of Appeals (CA). Ayon sa CA, ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay nagpapakitang Lot No. 6036-B ang kanilang nabili at hindi ang Lot No. 7 na inangkin at pinaghahawakan nila.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at iginiit nito ang ang mga naging desisyon nito sa mga naunang kaso na nagpapatibay ng bilihan. Pinahihintulutan nito ang pagtatama ng kasulatan para maipakita ang tunay na kasunduan ng mga panig sa mga pagkakataong nabigo ang deed of sale na tumpak na mailarawan ang lupang nilayon ng magkabilang panig.

Sa ilalim ng Civil Code, maaaring itama ang isang kasulatan nang kapag dahil sa isang pagkakamali hindi nito naipapakita ang tunay na pinagkasunduan ng mga panig.

Paliwanag ng Korte Suprema, ang isang kontrata ay maaaring baguhin o itama kung: (1) nagkasundo ang mga panig sa transaksyon; (2) hindi naipapahayag ng kasulatan ang kanilang tunay na kasunduan; at (3) ang kamalian ay sanhi ng pagkakamali o mistake, panlilinlang o fraud, aksidente, o unfair conduct.

Sa kasong ito, napatunayang umiiral ang lahat ng mga kondisyong ito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=169523

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164169

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


21/07/2026
17/07/2026

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang “Facebook Messenger Account… na maaaring makita ng sinuman (set to public view).” Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong “ICT,” malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

02/07/2026

Nagpasya ang na ang magkaparehong hangarin ng mag-asawa na wakasan ang kanilang kasal ay hindi sapat para patunayan ang collusion o pakikipagsabwatan sa kasong Petition for Declaration of Nullity of Marriage o pagpapawalang-bisa ng kasal. Hindi katumbas ng pakikipagsabwatan ang kawalan ng pagtutol.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, nagpasya ang Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na walang sabwatan sa pagitan ng mag-asawa sa petisyon na ideklarang walang bisa ang kanilang kasal. Ang pakikipagsabwatan o collusion ay nangangahulugang lihim na nagkasundo ang mag-asawa na magsinungaling o magbigay ng maling paglalarawan ng mga pangyayari para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Idineklara ng Korte Suprema na walang bisa ang kasal dahil sa psychological incapacity o sikolohikal na kawalan ng kakayahan ng asawang lalake.

Inihain ng asawang babae sa Regional Trial Court (RTC) ang petisyon na nagsasabing hindi nagampanan ng kanyang kabiyak ang mga tungkulin nito sa pag-aasawa dahil sa patuloy na pisikal, sikolohikal, at pinansiyal na pang-aabuso na nagsimula pa bago sila ikasal.

Nang hindi naghain ng sagot ang lalake sa petisyon, inatasan ng RTC ang Provincial Prosecutor na magsagawa ng imbestigasyon para alamin kung may sabwatan sa pagitan ng mag-asawa. Matapos ang imbestigasyon, iniulat ng Assistant Provincial Prosecutor na walang naganap na pakikipagsabwatan.

Sa paglilitis, nagharap ang babae ng ilang saksi, kabilang ang isang clinical psychologist, gayundin ang ama at pinsan ng kanyang asawa na tumestigo tungkol sa mga bisyo at mapang-abusong pag-uugali nito. Samantala, hindi naghain ng anumang saksi ang lalaki at hindi rin niya tinutulan ang petisyon.

Sa kabila nito, isinantabi ng RTC ang kaso at sinabing hindi sapat ang mga ebidensya para patunayan ang psychological incapacity. Iginiit din ng RTC na inamin ng ama ng asawang lalake na napag-usapan nila ng kanyang anak ang magiging testimonya nito at ang pagpayag ng asawa na mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC, na kinatigan naman ng Korte Suprema.

Paliwanag ng Korte Suprema, isang lihim na kasunduan upang manloko o makakuha ng isang bagay na labag sa batas ang pakikipagsabwatan o collusion. Bagama’t napansin ng RTC ang ilang kahina-hinalang pangyayari, ayon sa Korte, walang malinaw na patunay na nagsabwatan ang mag-asawa para gumawa ng huwad na batayan para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Binigyang-diin nito na hindi awtomatikong nangangahulugang may pakikipagsabwatan ang magkaparehong hangarin ng mag-asawa na wakasan ang kanilang kasal. Hindi katumbas ng isang lihim na plano para linlangin ang hukuman ang kawalan ng pagtutol sa petisyon ng asawa o ang hindi paghain ng anumang ebidensiya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168319.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165664.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


28/06/2026

Iginiit ng na hindi sapat ang pagliban o pag-absent sa trabaho para patunayan ang pag-abandona sa trabaho. Hindi rin ito magbibigay-katwiran sa pagtanggal ng isang mangagawa sa trabaho.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, idineklarang guilty ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang Green Era Biotech Corp. (Green Era Biotech) at Great Value Management and Services Corporation (Great Value) sa ilegal na pagtanggal sa production utility worker na si Alvin G. Carpio (Carpio).

Sinabi ni Carpio na tinanggap siya ng Green Era Biotech pero inilipat kalaunan sa manpower service provider nito na Great Value. Matapos siyang lumiban sa trabaho sa Green Era Biotech sa loob ng walong sunod na araw dahil sa sakit, binigyan siya ng Great Value ng notice para magpaliwanag. Binalaan din siya na hahantong sa abiso ng absence without leave (AWOL) kapag may isa pang katulad na paglabag.

Lumiban ulit si Carpio sa trabaho ng siyam na magkakasunod na araw. Nagbigay ang Great Value sa kanya ng AWOL notice na nagsasaad na ang kanyang patuloy na pagliban ay itinuturing na serious misconduct at pag-abandona sa trabaho na parehong basehan para matanggal sa trabaho.

Nang maglaon, nag-leave ulit siya na may pahintulot ng kanyang bisor. Nang bumalik siya sa trabaho kinabukasan, pinagbawalan siyang pumasok sa lugar ng trabaho. Makalipas ang ilang araw, ipinaalam sa kanya ng kanyang foreman na hindi na siya maaaring mag-report sa trabaho dahil idineklara na siyang AWOL.

Nagsampa si Carpio ng reklamo para sa illegal dismissal.

Sa pagpasya na iligal ang pagkakatanggal kay Carpio, iginiit ng Korte Suprema na ang pag-abandona, o ang sinadya at hindi makatwirang pagtanggi ng isang empleyado na ipagpatuloy ang kanyang trabaho, ay nangangailangan ng patunay ng dalawang elemento: (1) lumiban ang empleyado nang walang wastong dahilan; at (2) malinaw na nilayon ng empleyado na wakasan ang relasyon ng employer-empleyado.

Sa mga ito, mas mahalaga ang pangalawang elemento at dapat ipakita sa pamamagitan ng mga aksyon ng empleyado. Dahil ang pag-abandona ay isang batayan para sa pagpapaalis, pinapasan ng employer ang pasanin na patunayan ang parehong elemento.

Sa kasong ito, bagama’t hindi awtorisado ang absence ni Carpio, walang nakitang ebidensiya ang Korte Suprema na balak niyang talikuran ang kanyang trabaho. Sa halip, sinubukan niyang bumalik sa trabaho at agad na kwinestiyon ang kanyang pagkatanggal sa trabaho sa paghain ng reklamo.

Inatas ng Korte Suprema na ibalik si Carpio pero sinabi nito na hindi siya karapat-dapat sa backwages dahil ginawa ang kanyang dismissal in good faith dahil na rin sa kanyang hindi awtorisadong pagliban. Kung hindi na posible ang muling pagbabalik, dapat na bayaran siya ng separation pay ng kumpanya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168002

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165378

Basahin ang Dissenting Opinion ni Associate Justice Japar B. Dimaampao sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165383

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


01/06/2026

Nagpasya ang na ang mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak, kanilang mga anak, at mga anak sa labas ng kasal ay maaaring ituring na “grossly abusive conduct” o labis na mapang-abusong pag-uugali sa ilalim ng Family Code at maaaring magsilbing batayan para sa legal separation.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinagbigyan ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon para sa legal separation na inihain ng isang asawa laban sa kanyang kabiyak matapos ituring na grossly abusive conduct sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang mga kilos nito.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2003 at nagkaroon ng dalawang anak. Pero nakaranas ang asawang lalaki ng iba’t ibang mapang-abusong pag-uugali mula sa kanyang kabiyak. Ayon sa kanya, kontrolado nito ang kanilang pananalapi at tumangging magbigay ng tulong pinansiyal kahit kailangan niyang magpagamot ng matinding sakit ng ngipin at sumailalim sa root canal procedure.

Sa isang salu-salo, sinabi umano ng kanyang kabiyak sa kanilang mga kaibigan na nais nitong putulin ang kanyang ari dahil hindi na sila nagtatalik. Inakusahan din niya ang asawa ng pagkukuwento tungkol sa kanya sa pamilya at mga kaibigan habang binabaluktot ang mga pangyayari para mapalabas siyang masama.

Tumanggi rin umano ang kanyang kabiyak na sumailalim sa marriage counseling, pinagbawalan siyang makipagkita sa kanyang mga kaibigan, minanipula ang kanilang mga anak para pilitin siyang magbigay ng mas malaking suportang pinansiyal, at nananatili ang “controlling” na ugali sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

Pinagbigyan ng Regional Trial Court (RTC) ang petisyon para sa legal separation pero binaliktad ito ng Court of Appeals matapos nitong ituring na karaniwang alitan lamang ng mag-asawa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng RTC at nilinaw na ang mga gawaing itinuturing “grossly abusive conduct,” na isang batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code, ay kinabibilangan ng mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak o mga anak.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na kinakailangang suriin ng mga hukuman ang bawat kaso batay sa kani-kanilang mga pangyayari at ebidensiyang iniharap.

Bagaman hindi pinahihintulutan ng Family Code ang absolute divorce, maaaring legal na maghiwalay ang mag-asawa sa pamamagitan ng utos ng hukuman nang hindi napapawalang-bisa ang kanilang kasal. Hindi tulad ng deklarasyon na walang bisa ang kasal, ang legal separation ay hindi pumuputol sa bigkis ng pag-aasawa.

Kabilang sa mga batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang paulit-ulit na pisikal na pananakit o grossly abusive conduct laban sa asawa, kanilang anak, o anak ng asawa.

Dagdag pa ng Korte Suprema, ang interpretasyong ito ay naaayon sa tungkulin ng Estado sa ilalim ng Konstitusyon na pangalagaan ang kasal bilang pangunahing institusyong panlipunan.

Sa kasong ito, napag-alaman ng Korte Suprema na ang pinagsama-samang kilos ng asawa ay lumikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak. Napilitan umano ang asawa na palaging sumunod sa kagustuhan ng kanyang kabiyak, at nabigo rin ang kanyang mga pagsisikap na ayusin ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng counseling at iba pang mga hakbang. Pinagtibay rin ng mga testigo ang “controlling” na ugali ng asawa, na sumuporta sa konklusyon na may umiiral na mapanganib na kalagayan sa kanilang tahanan. Dahil dito, nagpasya ang Korte Suprema na may sapat na dahilan ang asawa para humiling ng reassignment sa ibang lalawigan para makalayo sa sitwasyon sa kanilang bahay.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang legal separation at ibinalik ang kaso sa RTC para sa pagbuwag at paghahati ng ari-arian ng mag-asawa. Inatasan din nito ang RTC na magpasya ukol sa kustodiya at suporta para sa kanilang mga anak.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166927

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164913

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164917

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


15/05/2026

Nagpasya ang na ang mga pananakot na di-berbal (non-verbal threatening gestures) ay maaaring ituring na grave threats sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) kung malinaw na may criminal intent o layuning gumawa ng krimen.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, pinawalang-sala ng Ikatlong Dibisyon ng Korte si Gregory Israel sa kasong grave threats matapos mapag-alamang wala siyang layuning gumawa ng krimen sa kanyang pagkukunwaring babarilin at pupugutan ng ulo ang dalawang indibidwal.

Gayunman, nilinaw ng Korte na maaaring maisagawa ang krimeng grave threats sa pamamagitan ng di-berbal na kilos, at hindi lamang sa pamamagitan ng pasalita o nakasulat na pananakot.

Si Israel na nagpakilala bilang Belgian architect na pinahintulutang magsanay ng kanyang propesyon sa Pilipinas, ay kinuha ng mga Belgian business partner na sina Christine Helena Amanda Navez at Olivier Edmund Denonville para sa pagpapatayo ng kanilang gusali. Matapos tumanggi si Israel na ayusin ang mga depekto sa nasabing gusali, nagpasya ang mag-business partner na sina Navez at Denonville na ihabla siya para masingil sa danyos.

Bandang 2017, habang pauwi mula sa paliparan sina Navez at Denonville, ay muntik nilang makabanggaan ang motorsiklo ni Israel. Kalaunan, sinasabing gumawa si Israel ng dalawang malinaw na kilos ng pananakot: itinutok ang kanyang mga daliri sa ulo ni Navez na parang nagpapaputok ng baril, at iginalaw ang mga daliri sa kanyang leeg na tila nagbabanta ng pagpupugot sa kanyang ulo.

Nahatulan si Israel ng grave threats. Nang pagtibayin ng Court of Appeals ang kanyang hatol, umapela siya sa Korte Suprema at iginiit na wala siyang layuning kriminal nang gawin niya ang mga kilos, at hindi saklaw ng Article 282 ng Revised Penal Code (RPC) ang mga kilos na di-berbal (pure non-verbal gestures).

Pinawalang-sala ng Korte si Israel dahil hindi napatunayan ang layuning kriminal. Gayunman, hindi ito sumang-ayon sa kanyang isa pang argumento, at iginiit na ang mga di-berbal na kilos ay maaari ring ituring na grave threats.

Para maparusahan ang isang tao sa kasong grave threats, dalawang elemento ang hinihingi ng RPC: ang aktwal na pagbigkas o pagpapahayag ng banta, at ang layuning manakot o magdulot ng takot.

Pinagtibay ng Korte na ang Article 282 ng RPC ay hindi nagtatangi sa mga banta na ipinapahayag sa salita at sa mga ipinapakita sa pamamagitan ng di-berbal na mga kilos. Ang mahalaga ay ang paghahatid ng banta na may layuning manakot.

Bagaman binabanggit sa ikalawang talata ng probisyon na ang mga banta ay maaaring ihatid nang pasalita o sa pamamagitan ng sulat, hindi nito isinasantabi ang mga banta na ipinapahayag sa pamamagitan ng di-berbal na mga paraan. Kaya, ang mga banta ay maaaring berbal o di-berbal.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-non-verbal-gestures-may-be-considered-grave-threats-under-rpc/

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/265736-gregory-israel-vs-people-of-the-philippines/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

09/05/2026

Disbarred o tinanggalan ng lisensya ng ang isang abogado dahil sa paggamit ng pekeng Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) compliance number sa kanyang mga isinumiteng pleading.

Sa isang Per Curiam na Desisyon, tinanggal ng En Banc ng Korte Suprema sa pagka-abogado si Atty. Jose R. Hidalgo (Atty. Hidalgo) dahil sa dishonest conduct o hindi tapat na asal na lumalabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Nagsilbing abogado si Atty. Hidalgo para sa defendant sa isang kaso ng malicious prosecution na nakabinbin sa Branch 153 ng Regional Trial Court (RTC) sa Lungsod ng Biñan. Sa sagot na inihain niya para sa kanyang kliyente, isinama ni Atty. Hidalgo ang kanyang MCLE compliance number na hinihingi sa mga abogado.

Nagsampa ng motion to expunge ang abogado ng nagrereklamo para burahin ang sagot ni Atty. Hidalgo mula sa mga rekord dahil hindi siya sumunod sa mga kahingian ng MCLE. Kalakip ng nasabing mosyon ang isang Sertipikasyon mula sa Tanggapan ng MCLE na nagsasaad na hindi nakadalo sa MCLE si Atty. Hidalgo mula sa unang compliance period hanggang sa kasalukuyan.

Sa pagtanggal ng lisensya ni Atty. Hidalgo, iginiit ng Korte Suprema ang Canon II ng CPRA na nag-aatas sa mga abogado na kumilos nang maayos (propriety) at panatilihin ang imahe ng kaayusan sa personal at propesyunal na pakikipag-ugnayan, maging tapat at magalang, at itaguyod ang dangal ng legal na propesyon alinsunod sa pinakamataas na pamantayan ng etikal na pag-uugali.

Sa ilalim ng Canon III, hinihingi din sa mga abogado na itaguyod ang Konstitusyon, sundin ang mga batas ng lupain, at isulong ang paggalang sa mga batas at prosesong legal.

Sinabi ng Korte Suprema na nilabag ni Atty. Hidalgo ang mga Canon na ito at sinabing ang gawain ng paglalagay ng maling impormasyon sa mga pleading na isinampa niya ay nagpapakita ng bad faith o masamang hangarin at kawalan ng katapatan, at nagpapakita ng lantarang kawalan ng paggalang sa mga hukuman at sa mga panuntunan nito.

Pinatawan si Atty. Hidalgo ng PHP 35,000 na multa para sa willful disobedience o sadyang pagsuway dahil sa hindi pagpansin sa atas ng IBP na magsumite siya ng sagot at isang verified position paper.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164745.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164728.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


06/05/2026

Pinawalang-sala ng ang isang lalaking nahaharap sa kasong violence against women and their children o VAWC dahil sa pagtanggi umano nitong magbigay ng suportang pinansiyal sa isang batang hindi napatunayang sa kanya. Iginiit nito na nagkakaroon lang ng legal na tungkulin na magbigay ng suportang pinansiyal matapos mapatunayan ang filiation o paternity o ugnayan ng isang anak sa kanyang ama.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, binaliktad ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang mga hatol ng Regional Trial Court at Court of Appeals na unang nagdeklarang guilty ang akusado sa kasalanang economic abuse sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act).

Nagsampa ng reklamo ang isang babae laban sa kanyang dating kasintahan na inakusahan niyang tumatangging magbigay ng suportang pinansiyal para sa kanyang anak.

Patuloy na itinanggi ng akusado na siya ang ama sa katwirang ipinanganak ang bata walong buwan matapos ang huli nilang pagtatalik.

Sa paglilitis, iprinisinta ng babae ang birth certificate ng bata bilang ebidensya. Gayunpaman, ang bahaging nagsasaad ng pangalan ng ama ay minarkahan ng “N/A” at hindi nilagdaan. Inamin din ng babae na tumanggi ang akusado na magbigay ng suportang pinansiyal dahil nag-aalinlangan ito kung siya nga ang ama ng bata.

Sa pagbaliktad ng hatol sa akusado, ipinaliwanag ng Korte Suprema na para mahatulan ang isang tao sa kasalanang economic abuse sa ilalim ng Section 5(i) ng Anti-VAWC Act, dapat mapatunayan ng prosekusyon na: (1) ang biktima ay isang babae at/o kanyang anak; (2) ang babae ay asawa o kapareha ng akusado, o kaya ay isang taong may anak sa akusado; (3) tumanggi ang akusado na magbigay ng kailangang suportang pinansiyal; at (4) ang pagtanggi ay may layuning magdulot ng paghihirap sa isip o emosyon.

Sa kasong ito, nagpasya ang Korte Suprema na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang dalawang mahahalagang elemento: na may anak ang akusado at ang babae, at ginawa para magdulot ng pinsalang sikolohikal ang pagtanggi sa pagbibigay ng suporta.

Dahil hindi napatunayan ang paternity ng akusado sa kasong ito, walang legal na obligasyon na magbigay ng suporta ang maaaring ipataw sa kanya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164663.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164655.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

2F, No. 107, Quezon Street, District 1
Cauayan
3305

Telephone

+639357010888

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quilang Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Quilang Law Office:

Shortcuts

Share