LAW Office Atty. Brian Joseph P. Almeria, REB

LAW Office Atty. Brian Joseph P. Almeria, REB Legal Consultation | Notary Public | Litigation | Real Estate Broker Atty. Brian Joseph P. Almeria, R.E.B.

08/04/2023
08/04/2023

MAGKAIBA ANG CONTRACT OF SALE SA CONTRACT TO SELL

Magkaiba ang contract of sale sa contract to sell. Ang contract of sale ay isang kasunduan kung saan ibinebenta ang isang bagay sa bumili nito samantalang ang contract to sell ay isang kasunduan kung saan ipinapangako ng nagbebenta na ibebenta nito ang nasabing bagay sa hinaharap sa kinasundong bibili nito. Sa contract of sale, nawawala ang pagmamay-ari ng bagay sa nagbenta, samantalang sa contract to sell naman ay nananatili ang pagmamay-ari ngbagay sa nagbebenta.

16/10/2022
TO ENSURE THAT YOUR PROPERTIES GO TO THE RIGHT PEOPLE WHEN YOU DIE, WRITE A LAST WILL.The properties left by a deceased ...
16/10/2022

TO ENSURE THAT YOUR PROPERTIES GO TO THE RIGHT PEOPLE WHEN YOU DIE, WRITE A LAST WILL.

The properties left by a deceased person is always a source of conflicts within a family, especially when large amounts are at stake. To maintain the peace within the family or to ensure that the right persons get their due, write a last will. This is particularly important if you want to give something to someone who is not legally entitled to succeed you but cared for you while you are still alive or to an illegitimate child who is closer to you than your legitimate ones. Through wills, you can also distribute a portion of your properties to close friends. To ensure that you will be able to repay the people who did good for you, write them in a will. And it is always better for a lawyer to prepare it. Otherwise, all your properties will only go to your compulsory heirs who will eventually fight over it.

---
Upang makasiguro na mapupunta sa tamang tao ang iyong ari-arian, sumulat ka ng huling habilin.

Ang mga ari-arian na iniwan ng isang namatay na tao ay palaging pinagmumulan ng mga awayan sa loob ng isang pamilya, lalo na kapag malaking halaga ang nakataya. Upang mapanatili ang kapayapaan sa loob ng pamilya o upang matiyak na ang mga tamang tao ay makakakuha ng nararapat sa kanila , sumulat ka ng isang huling habilin. Ito ay mahalaga kung gusto mong magbigay ng isang bagay sa isang taong hindi legal na tagapagmana mo ngunit nag-aalaga sa iyo habang ikaw ay nabubuhay pa o sa isang illegitimate na anak na mas malapit sa iyo kaysa sa iyong mga lehitimong anak. Sa pamamagitan ng mga testamento, maaari mo ring ipamahagi ang isang bahagi ng iyong mga ari-arian sa mga malalapit na kaibigan. Upang matiyak na masusuklian mo ang mga taong gumawa ng mabuti para sa iyo, isulat mo sila sa iyong huling habilin. At may maigi kung abogado ang gumawa nito. Kung hindi, ang lahat ng iyong mga ari-arian ay mapupunta lamang sa iyong mga compulsory heirs na pag-aawayan lang din naman ito.

11/10/2022

DO NOT SURRENDER YOUR DRIVER’S LICENSE TO ANY OTHER AGENCY OR ESTABLISHMENT. ONLY THE LTO CAN CONFISCATE THEM.

According to Republic Act No. 4136 and the DILG’s recent clarification, only the LTO and its deputized agents can confiscate licenses. Thus, you must not surrender your license to anyone not deputized by the LTO. A deputized LTO agent can be identified by his/her deputation ID. If your license was forcibly confiscated by someone not an LTO enforcer or does not have a deputation ID, you may report that person or file a case against them.

----

Huwag i-surrender ang iyong lisensta sa kahit ano pang ahensya o establisimyento.
LTO lamang ang maaaring kumuha nito.

Ayon sa Republic Act No. 4136 at sa paliwanag ng DILG kamakailan, tanging LTO lamang at mga deputized agents nito ang maaaring magkumpiska ng lisensya. Kaugnay nito, huwag i-surrender and lisensya sa isang taong hindi deputized ng LTO. Malalaman kung deputized ang isang enforcer kung meron itong deputation ID. Kung ang iyong lisensya ay sapilitang kinumpiska ng hindi LTO enforcer o walang deputation ID, maaari mo siyang i-reklamo o kasuhan.

04/10/2022

TO AVOID OPENING YOUR MOTORCYCLE COMPARTMENTS DURING CHECKPOINTS, KEEP YOUR DOCUMENTS HANDY.

Checkpoints are limited only to visual searches. Police officer can only inspect what is visible in plain view. To avoid the unnecessary risk of having to explain yourself for whatever is contained in your compartment and prevent the possibility of evidence planting, keep the documents easily accessible from outside, including your driver's license, official receipt (OR), and certificate of registration (CR). When you present these documents, they have no reason to require you to open the compartment without a search warrant.

--

Upang maiwasang magbukas ng compartment ng motor sa mga checkpoint, ilagay sa lugar na madaling madaling makuha ang mga dokumento.

Ang mga checkpoint ay limitado lamang sa mga visual search. Maaari lamang siyasatin ng mga pulis kung ang bagay ay nakikita nang hindi nagbubukas ng kung anuman. Upang maiwasang ipaliwanag ang iyong sarili para sa anumang nilalaman ng iyong compartment at maiwasan ang posibilidad ng pagtatanim ng ebidensya, panatilihing madaling makuha ang mga dokumento mula sa labas ng motor, gaya ng iyong lisensya, OR at CR. Kung ipinakita mo na ang mga dokumentong ito, wala silang dahilan para hilingin sa iyo na buksan ang iyong compartment nang walang search warrant.

04/10/2022

: Paggamit ng Maiden Name Matapos Ikasal

: Required ba ang mga babae na gamitin ang apelyido ng kanilang asawa?

: Hindi. Ayon sa prevailing jurisprudence o mga naging desisyon ng Korte Suprema, ang kasal na babae ay may opsyon, pero hindi obligasyon na gamitin ang apelyido ng kanyang asawa. Ang kasal na babae ay may sumusunod na opsyon:

• Ipagpatuloy ang paggamit ng kanyang maiden name o apelyido sa pagkadalaga; (Hal. Basilia Cruz)
• Idagdag sa kanyang pangalan at apelyido sa pagkadalaga ang apelyido ng kanyang asawa; (Hal. Basilia Cruz-Santos)
• Gamitin ang pangalan sa pagkadalaga at ang apelyido ng kanyang asawa (Hal. Basilia Santos)
• Gamitin ng buo ang pangalan ng asawa pero dagdagan ito ng "Mrs." para ipahiwatig na siya ay kasal rito (Hal. Mrs. Crispin Santos)

May tanong tungkol sa GAD? at ma , bisitahin lamang ang link na ito:: https://pcw.gov.ph/faq-use-of-maiden-name/

02/10/2022

TO AVOID QUEUING FOR NOTHING IN GOVERNMENT OFFICES, ALWAYS READ THEIR CITIZEN’S CHARTER.

The citizen's charter of every agency contains all the required documents that you need for a certain transaction, how much you need to pay, what the step-by-step process ism and all other details that you need to know about your transaction, especially the common ones. In fact, the charter also contains the names of persons responsible for each step. If the details of these charters are inaccurate and you were sent home despite having all the requirements, you can file a complaint against the agencies through various channels. You can even file a case if it involves corruption. So before going and to avoid paying too much to fixers, check the charter.

--
Upang maiwasang pumila sa wala, laging basahin ang Citizen’s Charter ng ahensya
(bago pumunta).

Ang citisen's charter ng bawat ahensya ay naglalaman ng lahat ng mga kinakailangang dokumento na kailangan mo para sa isang tiyak na transaksyon, kung magkano ang kailangan mong bayaran, kung ano ang mga hakbang sa proseso at lahat ng iba pang mga detalye na kailangan mong malaman tungkol sa iyong transaksyon, lalo na ang mga karaniwang transaksyon. Sa katunayan, ang charter ay naglalaman din ng mga pangalan ng mga taong responsable para sa bawat hakbang ng proseso. Kung ang mga detalye ng mga charter na ito ay hindi tugma at pinauwi ka kahit dala mo lahat ng mga kinakailangan, maaari kang magsampa ng reklamo laban sa mga ahensya sa pamamagitan ng iba't ibang mga paraan. Makikita din ito sa charter. Maaari ka pang magsampa ng kaso sa korte kung may kinalaman ito sa katiwalian. Kaya bago pumunta at para maiwasan ang labis na pagbabayad sa mga fixer, suriin ang charter.

Address

Door 2, Catbalogan City Post Office Building, Catbalogan City, Samar
Catbalogan
6700

Opening Hours

Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LAW Office Atty. Brian Joseph P. Almeria, REB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share