22/04/2021
Ipagdiwang, Earth Day 2021 !
Alam nyo bang nanganganib ang ating planeta sapagkat hindi ito lubos na pinangangalagaan ng mga tao? Nariyan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan, pag-aaksaya ng mga gamit, at marami pang mga gawaing nakakasira sa ating Inang Kalikasan.
Kaya't sa araw na ito, ating gunitain kung ano ang ating ginagawa sa pang-araw-araw upang alagaan at mahalin ang ating kapaligiran.
Alamin ang iba pang mga aktibidad sa araw na ito upang makillahok at lubos pang matutunan paano mailigtas ang ating kalikasan.