16/12/2025
TINGNAN: Nagmartsa ang hanay ng mga manggagawa kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan upang lagumin ang makasaysayang ika-40 na taong anibersaryo ng OLALIA-KMU sa isang maikling programa, sa kahabaan ng Bayan ng Cabuyao, Laguna, noong Linggo, Disyembre 14, 2025.
Pinangunahan ni Mario Fernandez, tagapangulo ng OLALIA-KMU, ang pagbubukas ng programa upang ipagpatuloy ang militanteng laban ng mga manggagawa para sa mga nakabubuhay na sahod, regularisasyon, katiyakan sa trabaho, at karapatan sa pag-uunyon. Ngayon ika-40 anibersaryo ng pederasyon, ipinapanawagan din ang agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa hanay ng mga manggagawa na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso ng estado na nina Maritess David at Esteban Mendoza ng OLALIA-KMU, Arnedo Lagunias ng Lakas ng Manggagawang Nagakakisa sa Honda Cars at Alyansa ng Manggagawa sa Engklabo, Marlon Torres ng Kulturang Ugnayan ng Makabayang Sining Anakpawis (KUMASA), Tess Dioquino, Nolan Ramos, Benny Hilamon, at Pauline Banjawan.
Kasama rin sa programa si Grace Arias, tagapagsalita ng Bayan Muna Southern Tagalog upang ilantad ang laganap na kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan sa rehiyon sa ilalim ng sistematikong korapsyon ng rehimeng US-Marcos. Nagtapos ang programa sa pahayag ni Antonio Fajardo, tagapangulo ng PAMANTIK-KMU, upang ipanawagan ang pagpapabagsak sa burukrata-kapitalismo na isa sa tatlong salot ng lipunan at pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa sistematikong korapsyon, lalong-lalo sina Marcos Jr. at Sara Duterte na siyang Hari at Reyna ng Korapsyon sa bansa.
Mabuhay ang Uring Manggagawa!
Mabuhay ang Kilusang Paggawa!