04/08/2026
in San Miguel Bay
๐ฆ๐ถ๐๐ฎ๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น๐น๐ ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฟ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ๐ฑ๐ ๐๐ผ๐น๐ฝ๐ต๐ถ๐ป, ๐ก๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ ๐๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ ๐ถ๐ด๐๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐
Muling namataan ang mga critically endangered na Irrawaddy dolphin sa San Miguel Bay kasunod ng isinagawang isang linggong survey ng University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology (UP IESM) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 5 (BFAR 5) mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1, 2026, na nagbigay ng mahahalagang datos para sa patuloy na konserbasyon at pagsubaybay sa isa sa mga pinakabihirang marine mammal sa bansa.
Layunin ng survey na subaybayan ang populasyon, distribusyon, at habitat use ng mga Irrawaddy dolphin sa San Miguel Bay sa pamamagitan ng visual at underwater acoustic monitoring methods.
Noong Hulyo 27, nakapagtala ang survey team ng underwater acoustic detection o mga tunog ng dolphin sa ilalim ng dagat malapit sa baybayin ng Sipocot, Camarines Sur, na nagpapatunay sa presensya ng mga ito sa lugar kahit walang aktuwal na sighting.
Noong Hulyo 29, namataan ng survey team ang tinatayang siyam na Irrawaddy dolphin sa pagitan ng alas-2:00 at alas-3:00 ng hapon sa karagatang sakop ng Siruma at Tinambac, Camarines Sur. Muli ring namataan ang tinatayang apat na Irrawaddy dolphin sa parehong lugar noong Hulyo 31.
Samantala, nagsagawa rin ng transect surveys noong Hulyo 28 at 30 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, subalit walang direktang sighting na naitala sa mga nasabing araw.
Ayon sa survey team, mahalaga ang mga nakalap na datos upang higit na maunawaan ang distribusyon, galaw, at habitat use ng mga Irrawaddy dolphin sa San Miguel Bay. Inirekomenda rin ng mga eksperto ang regular na pagsasagawa ng mga survey at mas pinaigting na monitoring, lalo na sa mga baybaying madalas na pinamamalagian ng mga dolphin, upang higit pang mapalakas ang mga hakbang para sa kanilang konserbasyon.
* ๐ด๐๐ ๐ผ๐๐๐๐ค๐๐๐๐ฆ ๐๐๐๐โ๐๐ (๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ ๐ก๐๐๐ ) ๐๐ฆ ๐๐ ๐ ๐ ๐ ๐๐๐ โ๐๐๐๐๐ ๐ก ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐โ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐. ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ข๐๐ข๐ฆ๐๐, ๐๐๐ฆ ๐ก๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐ค๐๐๐๐ฆ ๐๐๐๐โ๐๐: ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐
๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐, ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐, ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐.
โ๏ธChristian Riรฑon