Justice for Andrei

Justice for Andrei Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Justice for Andrei, Cabangan.

Itong picture po na ito taken March 2017 kitang kita kung gaano pa katotoy ang batang ito dahil sa pagging teenager eh b...
22/08/2020

Itong picture po na ito taken March 2017 kitang kita kung gaano pa katotoy ang batang ito dahil sa pagging teenager eh bigla lang lumaki tapos sasabihin nilang hindi na menor de edad. Ilalaban namin to kahit ipapsychological test yung bata kung hindi rin totoong may Autism.

Praying for his safety at makalabas na sya soon po ilalabas ko ang picture niya na latest kapag hindi pa po nakalabas ang bata next week.

21/08/2020

Ngayon naman po sinasabi nila na may hearing na yung bata nung August 5. Paano po magkakaroon ng hearing ang menor de edad? Kasi po pinipilit nila na 18 na yung bata. Ano yun lokohan sa mismong birthday ng bata ang hearing kung kelan sya nag 18 anyos? Maraming magpapatunay na menor de edad ang hinuli niyo. Wag niyong sabihin samin yung dental na pinagawa ninyo kuno dahil hindi namin alam kung anong magic ang ginawa nio dyan. Wag niyong gawing tanga ung mga taong may kilala sa batang yan. Paano magiging pusher at user ang batang ni hindi kilala ang pera? Ni hindi marunong mag bilang, magbasa at magsulat? Konting hustisya naman po? Sasabihin nio pa na hindi sapat na dahilan ang kapansanan ng bata para hindi magkasala. Harapin natin ang totoo na nagkamali kayo ng napagtripan. Dahil unang una walang perang ilalabas para matubos sa inyo dahil kung may pera magulang niyan eh hindi tatagal dyan yan. Pero marami na akong narinig na ganyang ginagawa niyo sa parehas na halagang hinihingi nio kaya kayo hindi tumitigil sa ganyan gawain kasi nasswertihan niyo na nagbabayad sa inyo ang mga taong ginaganyan niyo. Maawa kayo sa bata pakawalan niyo nag dedetain kayo ng mga preso wala naman kayong pangpakain sa kanila. Magkaroon kayo ng puso dahil baka sa mga anak niyo mangyari yan baka lahat ng kapangyarihan nio lumabas.

Sorry binura ko po ung unang post ng id para mahide po ang ibang details ng bata
21/08/2020

Sorry binura ko po ung unang post ng id para mahide po ang ibang details ng bata

21/08/2020

Eto po nakuhanan sya ng magulang nia ng PWD ID

21/08/2020

Ikkwento ko po ang nangyari In behalf of Andrei Yap.

Early this year po bago mag Covid-19 ECQ eh itong batang toh naglalakad lang sa Mel Alcalde St. At biglang nakita ng isang pulis na nag ngangalang Kenneth Lopez alias Betong habang umiinom ung pulis nung pagdaan nia hinarang at inakbayan niya ito at pinicturan niya sinabing pulis sya at pinosasan na yung bata at pinasakay ng motor. 8 araw hinahanap ng magulang sa ibat ibang presinto itinatago sa kanila hanggang sa nag histerical na yung nanay dahil may nagsabi nga na nasa Dos yung bata. Pinlantahan ng Ma*****na yung bata. Anyway ang batang ito ay 17 years old lamang ng ikulong nila at may SPEECH AUTISM. Ilang beses pinuntahan ng magulang at nagpakita ng birthcertificate na menor de edad ang bata pero ginigiit ng mga pulis na hindi na menor de edad. Hinihingian po ang magulang ng 30,000 pesos na wala naman pong trabaho ang magulang nito. Naranasan din bugbugin yung bata sa loob ng kulungan. Pinuntahan po ng magulang sa city hall eh wala parin pong kasong nakahain sa kanya duon. Nag 18 years old na ang bata sa kulungan ngayong August pero di parin nkakalabas dahil walang maibigay na pera ang magulang nito. Hindi nga araw araw madalan ng pagkain ng magulang dahil sa walang pera san pa kukuha ng 30k ang magulang nito.

Kahapon may gumulantang sa aming lahat ng may magbalitang patay na ang bata kaya agad agad na pumunta ang magulang nito sa presinto nakita ang bata na halos hindi na makilala sa sobrang putla at kapayatan nito as in mahahalintulad kay palito. May sakit po ang bata ngayon at hindi nila hinahayaan na mapacheck up ito.

Sana po huwag na hintaying may mamatay na inosenteng bata dahil lang sa gustong magkaperang mga pulis.

Tulungan nio po kami makamit ang hustisya at maipaglaban ang batang ito.

Sana po makarating kay at kay

Salamat po.

Hi mga Netizens tulungan niyo po kami na mapakawalan ang isang inosenteng bata na napagtripan ng pulis maynila.
21/08/2020

Hi mga Netizens tulungan niyo po kami na mapakawalan ang isang inosenteng bata na napagtripan ng pulis maynila.

Address

Cabangan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Justice for Andrei posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share