02/10/2026
💸 MAY UTANG KA? MAY KARAPATAN KA.
Being in debt does not mean na puwede ka nang bastusin, ipahiya, takutin, o tratuhin na parang wala kang dignidad.
⚖️ As a debtor, you still have rights.
👉 1. May karapatan kang tratuhin nang may respeto.
Ang pagkakaroon ng utang ay hindi automatic license para sa harassment, threats, o public shaming. Hindi nararapat at labag sa batas kung ipopost ka sa social media ng pinagkakautangan mo para ipahiya ka sa publiko na may utang ka.
👉 2. May karapatan kang malaman kung magkano talaga ang sinisingil sa iyo.
Principal? Interest? Penalties? Charges? Dapat malinaw kung saan nanggagaling ang amount being demanded. Dapat may malinaw na batayan ang amount na sinisingil sayo. Maaaring pagbasehan ang kontrata, kasunduan o mga conversation sa chat/text para icompute ang tamang amount na dapat bayaran.
Kapag sobrang taas ng interest/penalty, at ito ay hindi na makatarungan o hindi na katanggap-tanggap, maaaring bawasan ito ng korte. ⚖️
👉 3. Hindi porke may utang ka, puwedeng kunin agad ang kahit anong property mo.
May legal processes na kailangang sundin. Hindi “may utang ka, akin na gamit mo.” 😅 Kailangan muna dumaan sa legal na proseso sa korte kung gugustuhin ng creditor na kuhanin nalang ang property mo para maipambayad sa utang mo.
👉 4. May privacy rights ka rin.
Hindi dahil may outstanding balance ka ay puwede nang ikalat kung kani-kanino ang personal information mo o ang detalye ng pagkakautang mo. Ang iyong privacy ay importante sa batas natin, kaya dapat mapangalagaan at maproteksyunan din ang iyong privacy kahit may utang ka.
👉 5. May karapatan kang humingi ng legal remedies.
Kung may dispute tungkol sa utang, collection practices, interest, contract, o enforcement, may mga legal remedies at proseso na maaaring available sa iyo. Mas mainam pa na mag-usap sa korte mismo para mas maproteksyunan ang mga karapatan mo bilang isang debtor.
🚨 PERO TANDAAN!
Ang rights ng debtor ay hindi ibig sabihin na puwede nang takasan ang valid na utang.
Kung valid ang obligation, maaaring may legal consequences ang non-payment. The point is simple: May utang ka? May obligasyon ka.
Pero may karapatan ka pa rin.
Hindi kailangang mamili between “bayaran ang utang” at “ipaglaban ang rights.” Puwedeng gawin ang pareho — sa tamang legal na paraan. ⚖️
Kung may naniningil sa iyo, huwag agad mag-panic.
Basahin ang documents. Alamin ang rights mo. At kung kinakailangan, kumonsulta sa abogado. 🧑⚖️
-ATTY. MARY AT YOUR SERVICE ❤️