Blgu-1 VAWC PAGE

Directions

Blgu-1 VAWC PAGE Barangay

08/07/2026

๐Ÿ›ก๏ธ OSAEC: Sama-Sama Nating Protektahan ang Kabataan Laban sa Online Pang-aabuso

Ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) ay isang mabigat na krimen kung saan ginagamit ang internet upang abusuhin, pagsamantalahan, o pagkakitaan ang mga bata sa pamamagitan ng mga larawan, video, o iba pang sekswal na nilalaman. Kadalasan, ang mga salarin ay gumagamit ng panlilinlang, pagbabanta, o panghihikayat upang mabiktima ang mga menor de edad.

Ayon sa Republic Act No. 11930, mahigpit na ipinagbabawal at pinaparusahan ang OSAEC at ang paggawa, pagmamay-ari, pamamahagi, o pagbebenta ng Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM). Bilang mga magulang, g**o, at miyembro ng komunidad, mahalagang gabayan ang mga bata sa ligtas na paggamit ng internet, bantayan ang kanilang online na aktibidad, at agad iulat ang anumang kahina-hinalang pangyayari sa kinauukulan.

Ang kaligtasan ng ating mga anak ay pananagutan nating lahat. Maging mapagmatyag, makialam, at makiisa upang maprotektahan sila laban sa online na pang-aabuso at pagsasamantala.

20/04/2026

๐๐–๐„๐ƒ๐„ ๐๐€๐๐† ๐Š๐€๐’๐”๐‡๐€๐ ๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐„ ๐๐† ๐•๐€๐–๐‚ ๐Š๐”๐๐† ๐€๐๐† ๐๐ˆ๐Š๐“๐ˆ๐Œ๐€ ๐€๐˜ ๐๐€๐๐€๐„ ๐ƒ๐ˆ๐?

โ€œBabae rin naman siya, hindi naman puwedeng VAWC yan.โ€

Maling akala.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o Anti-VAWC Law, hindi kinakailangang lalaki ang gumawa ng pananakit o pang-aabuso. Ang mahalaga ay babae ang biktima.

๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜?

Dahil ang batas ay gumagamit ng salitang โ€œany personโ€ kapag tinutukoy ang maaaring manakit o mang-abuso. Hindi nito nililimitahan sa lalaki lamang ang maaaring managot.

Ibig sabihin, kahit babae ang gumawa ng:

โ€ข Pisikal na pananakit
โ€ข Pagbabanta o harassment
โ€ข Emotional o psychological abuse
โ€ข Pagkontrol sa pera, galaw, o komunikasyon

maaari pa rin siyang kasuhan ng VAWC kung ang biktima ay isang babae na:

โ€ข Karelasyon o dating karelasyon
โ€ข Mayroon o nagkaroon ng sexual o dating relationship sa kaniya

Kasama rito ang relasyon sa pagitan ng dalawang babae.

๐—›๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ:

May dalawang babaeng magkarelasyon. Nang maghiwalay sila, paulit-ulit na minura, tinakot, at pinahiya ng isa ang kaniyang dating partner. Kinokontrol din niya ang cellphone nito, pinagbabantaan siyang ikakalat ang kanilang pribadong litrato, at hindi siya tinantanan sa mga mensahe. Kahit parehong babae sila, maaari pa ring pumasok ang kasong VAWC.

Hindi porket babae ang gumawa ay hindi na ito VAWC. Ang batas ay para protektahan ang kababaihan laban sa abuso, kahit sino pa ang gumawa nito.

Source/s:

1. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
2. Dejanio v. People, G.R. No. 242133, April 16, 2024

STOP HARASSMENT. PROTECT SAFE SPACESSa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, ipinagbabawal ang anumang uri...
20/03/2026

STOP HARASSMENT. PROTECT SAFE SPACES

Sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, ipinagbabawal ang anumang uri ng sexual harassment sa kalsada, pampublikong lugar, online, at maging sa loob ng mga opisina at paaralan.

Ang bawat isa ay may karapatang makaramdam ng kaligtasan at respetoโ€”lalo na ang kababaihan at kabataan.

Hinihikayat ang lahat na maging mapagmatyag at makiisa sa pagpigil sa anumang uri ng pang-aabuso. I-report agad sa inyong Barangay o kinauukulang awtoridad ang mga insidente ng harassment.

๐Ÿ“ Barangay 01 Poblacion
๐Ÿ“ž Hotline: 09702425964



STOP VAWC. PROTEKTAHAN ANG KABABAIHAN AT KABATAANWalang puwang ang karahasan sa ating komunidad. Ang anumang uri ng pang...
20/03/2026

STOP VAWC. PROTEKTAHAN ANG KABABAIHAN AT KABATAAN

Walang puwang ang karahasan sa ating komunidad. Ang anumang uri ng pang-aabusoโ€”pisikal, emosyonal, sekswal, o pinansyalโ€”ay labag sa batas at dapat labanan.

Ang Barangay 01 Poblacion ay patuloy na naninindigan para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan para sa lahat.

Kung ikaw o may kakilala kang biktima ng karahasan, huwag matakot magsumbong. Narito ang inyong barangay upang tumulong at magbigay-proteksyon.

๐Ÿ“ Barangay 01 Poblacion
๐Ÿ“ž Hotline: 09702425964


๐ŸŒธ Womenโ€™s Month Celebration 2026 ๐ŸŒธNakilahok ang Sangguniang Barangay 01 Poblacion, Baler, Aurora sa pagdiriwang ng Women...
19/03/2026

๐ŸŒธ Womenโ€™s Month Celebration 2026 ๐ŸŒธ

Nakilahok ang Sangguniang Barangay 01 Poblacion, Baler, Aurora sa pagdiriwang ng Womenโ€™s Month ngayong Marso 6, 2026 na ginanap sa Munisipyo ng Baler.

Kasama ang ibaโ€™t ibang Barangay at mga ahensya ng pamahalaan, nakiisa ang aming barangay sa pagbibigay-pugay sa lakas, kakayahan, at mahalagang papel ng kababaihan sa ating komunidad.

๐Ÿ’œ Mabuhay ang Kababaihan!

โ™€๏ธVAWC Assessment โ€“ March 19, 2026๐Ÿ™๐Ÿปโ€โ™€๏ธIsinagawa  ang pagsusuri ukol sa Violence Against Women and Children  (VAWC) ngay...
19/03/2026

โ™€๏ธVAWC Assessment โ€“ March 19, 2026

๐Ÿ™๐Ÿปโ€โ™€๏ธIsinagawa ang pagsusuri ukol sa Violence Against Women and Children (VAWC) ngayong Marso 19, 2026, na dinaluhan nina MLGOO Melody Valdez at Sir Bes Wheng Verdadero ng MSWDO.

โœ…Layunin ng aktibidad na suriin ang kasalukuyang mga programa at palakasin ang mga estratehiya sa pagtugon sa mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan sa komunidad.

๐Ÿ™Patuloy na nananatiling nakatuon ang barangay sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng kababaihan at aktibong nakikipagtulungan sa mga lokal na tanggapan ng gobyerno at ahensya ng panlipunang kagalingan para sa epektibong interbensyon at suporta.

Maraming Salamat po!





Address

Barangay 01 Poblacion
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Blgu-1 VAWC PAGE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category