Bonifacio Dines Donato Law Office

Directions Contact the business

Bonifacio Dines Donato Law Office A full service law office for all your legal needs. Conveniently located at the heart of Baguio City.

08/07/2026

Watch Atty. Jose Adrian M. Bonifacio’s interview with PTV Cordillera on the pending impeachment proceedings involving Vice President Sara Duterte.

01/07/2026
24/06/2026

Nagpasya ang na lumagpas ang Government Service Insurance System (GSIS) sa kapangyarihan nito nang maglabas ito ng panuntunan na tinatanggalan ang mga secondary beneficiary gaya ng mga magulang ng karapatan na makatanggap ng survivorship benefits (benepisyo para sa mga naiwang pamilya) ng mga namayapang miyembro na naglingkod sa gobyerno nang hindi bababa sa tatlong taon pero hindi umabot ng 15 taon.

Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, idineklara ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang Seksyon 24.2.2 ng Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 8291, o ang The Government Service Insurance Act of 1997 (GSIS Act), bilang ultra vires o lampas sa kapangyarihan ng GSIS na gumawa ng tuntunin. Dahil dito, pinagbabawalan ang GSIS na ipatupad ang nasabing probisyon kapag sumasalungat ito sa Seksyon 21(c) ng batas.

Nag-ugat ang kaso sa aplikasyon ni Petronilo B. Laroco (Laroco) para sa survivorship benefits matapos pumanaw ang kanyang anak na si Cristie C. Laroco (Cristie). Isang g**o sa pampublikong paaralan si Cristie na may 13 taon sa serbisyo at nagbayad ng mga premium contribution sa GSIS sa loob ng 12 taon. Pumanaw siya nang walang asawa at walang anak.

Tinanggihan ng GSIS ang aplikasyon. Sa ilalim ng Seksyon 24.2 ng IRR, hindi kwalipikado si Laroco para sa survivorship benefits dahil hindi siya isang primary beneficiary (pangunahing benepisyaryo).

Nanindigan ang GSIS na magiging kwalipikado lamang ang mga secondary beneficiary para sa survivorship benefits kung naglingkod nang hindi bababa sa 15 taon sa gobyerno ang pumanaw na miyembro. Dahil 13 taon lamang ang serbisyo ni Cristie, ang kanyang mga primary beneficiary lamang, tulad ng asawa o mga anak, ang may karapatan sa survivorship benefits.

Sa pagpasya pabor kay Laroco, binigyang-diin ng Korte Suprema na sumasalungat ang Seksyon 24.2.2 ng IRR sa batas dahil nagdagdag ito ng bagong rekisito na naglilimita sa survivorship benefits para sa mga secondary beneficiary sa mga kaso lamang kung saan naglingkod nang hindi bababa sa 15 taon ang pumanaw na miyembro.

Sa ilalim ng GSIS Act, may karapatan sa survivorship benefits ang isang secondary beneficiary kung: (1) walang primary beneficiary; (2) natutugunan ng secondary beneficiary ang mga kinakailangang rekisito ng pagiging umaasa (dependency requisites) sa ilalim ng batas; (3) nasa serbisyo ng gobyerno sa oras ng kanyang pagpanaw ang miyembro; at (4) nakapaghahatid ng hindi bababa sa tatlong taon sa serbisyo ang miyembro.

Iginiit ng Korte Suprema na bagamat mabuti ang layunin ng GSIS na tugunan ang hindi pantay na sitwasyon sa ilalim ng batas, hindi nito maaaring basta baguhin ang GSIS Act sa pamamagitan ng isang simpleng administrative issuance o kautusang administratibo. Ang tatlong taong rekisito sa serbisyo ng pamahalaan para sa survivorship benefit sa ilalim ng Seksyon 21 ay maaaring hindi patas at dehado para sa ibang mga miyembro na obligadong maglingkod nang hindi bababa sa 15 taon bago maging kwalipikado sa pensiyon, pero ito ang itinakda ng batas.

Ni-remand o ibinalik ng Korte Suprema ang kaso sa GSIS Committee on Claims para sa pagkalkula ng mga benepisyong dapat bayaran kay Laroco.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=167839.

Basahin ang Desisyon sa http://sc.judiciary.gov.ph/?p=165811.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Celebrating the freedom won by our heroes and the enduring spirit of the Filipino people. Happy Independence Day! Mabuha...
12/06/2026

Celebrating the freedom won by our heroes and the enduring spirit of the Filipino people. Happy Independence Day! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭

02/06/2026

This June, the Philippines marks Judiciary Month, celebrating the 125th anniversary of the Supreme Court.

Declared under Presidential Proclamation No. 1265, s. 2026, the observance calls on government agencies, local government units, the private sector, and civil society to support and partake in the commemoration.

Established on June 11, 1901 through Act No. 136 of the Philippine Commission, the Supreme Court has stood as a pillar of justice—first led by Chief Justice Cayetano Arellano.

In line with this milestone year, the Court unveils a series of activities under the theme: “SC: 125 Years of Tradition and Innovation.”

Stay tuned for updates through the official social media channels of the Supreme Court.

19/05/2026

Nilinaw ng na ang mga rule o tuntunin ukol sa mga modifying circumstance—mga salik na maaaring magpababa o magpataas ng parusa sa krimen—ay naaangkop sa mga kaso ng reckless imprudence resulting in homicide na kinasasangkutan ng mga sasakyang de-motor.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala laban kay Noli Z. Ilon (Ilon) para sa reckless imprudence resulting in homicide pero ibinaba nito ang ipinataw na parusa dahil kusa siyang sumuko sa mga awtoridad.

Sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code (RPC), tumutukoy ang reckless imprudence sa paggawa ng isang kilos nang walang layuning manakit pero nagdudulot pa rin ng pinsala o pagkamatay ng iba dahil sa malinaw na kakulangan sa pag-iingat.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na inaasahan ang mga motorista na magmaneho sa makatwirang bilis na naaayon sa kondisyon ng kalsada at panahon lalo na kapag papalapit sa mga kanto. Sa kasong ito, inamin ni Ilon na hindi siya nagmenor kahit alam niyang papalapit siya sa isang kanto. Sa halip, lalo pa niyang binilisan ang takbo ng kaniyang sasakyan dahilan para mabangga niya ang trisikad na ikinamatay ni Lee de la Cruz.

Nilinaw rin ng Korte Suprema na dapat kilalanin ang kusang pagsuko ni Ilon bilang isang mitigating circumstance na nagpapababa ng kaniyang parusa. Ipinaliwanag nito na bagama’t karaniwang pinahihintulutan ng Article 365 ng RPC ang mga trial court na magtakda ng parusa nang hindi inilalapat ang mga tuntunin ukol sa mitigating at aggravating circumstances sa ilalim ng Article 64 ng RPC, hindi ito naaangkop kapag nagresulta ang reckless imprudence sa kamatayan na kinasasangkutan ng isang sasakyang de-motor. Kailangang sundin ang Article 64 sa ganitong mga kaso.

Sinuri rin ng Korte Suprema ang mga amyenda sa Article 365—mula sa Act No. 3992 o Revised Motor Vehicle Law na ipinasa noong 1932 hanggang sa Batas Pambansa Blg. 398 na ipinasa noong 1983—at natuklasang patuloy na pinanatili ng Kongreso ang probisyong nagbubukod sa mga kasong may pagkamatay dulot ng reckless imprudence na kinasasangkutan ng sasakyang de-motor mula sa karaniwang diskresyon na ibinibigay sa mga trial court. Nangangahulugan ito na kailangang ilapat ng mga hukuman ang Article 64 para matukoy ang wastong parusa.

Gayunman, napansin ng Korte Suprema ang isang hindi pagkakatugma: maaaring mapababa ang parusa sa pamamagitan ng mga mitigating circumstance ang reckless imprudence resulting in homicide na kinasasangkutan ng sasakyang de-motor. Samantala, nananatiling nakabatay sa diskresyon ng mga trial court ang mga kasong nagreresulta sa serious physical injuries o damage to property. Dahil nakita ng Korte Suprema na hindi makatarungan ang pagkakaibang ito, inatas nitong padalhan ng kopya ng Desisyon ang Pangulo, Senado, at House of Representatives para maipabatid sa mga kapantay nitong sangay ng pamahalaan ang naturang hindi pagkakatugma at para sa posibleng aksiyong lehislatibo.

Hinatulan si Ilon ng pagkakakulong ng hanggang dalawang taon at apat na buwan at inatasang magbayad ng PHP 629,883.45 bilang danyos sa mga naulila ni de la Cruz.

Sa kaniyang Sumasang-ayon na Opinyon, binigyang-diin ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na nagdulot ng mga hindi pagkakatugma sa batas penal ang paisa-isang pag-amyenda sa RPC. Nanawagan siya para sa pagsasama-sama ng lahat ng probisyong kriminal sa iisang komprehensibong kodigo para matiyak ang pagiging makatarungan, malinaw, at maayos na pagpapatupad ng hustisya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166162.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166141.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

Unit 3C, E. S. Clemente Building, Shanum Street Cor. Otek St. , Rizal Monument Barangay, Baguio City Landmark: Same Building With Chowking Burnham
Baguio City
2600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bonifacio Dines Donato Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bonifacio Dines Donato Law Office:

Shortcuts

Share