11/07/2026
Atty., ako ang unang nakabili. Pero bakit sa iba naipangalan ang titulo? Pwede ba 'yun? Legal ba yun?
Pwede at Possible.
In the case of Spouses Bernardez v. Spouses Magtoto (G.R. No. 165888, September 14, 2007), sinabi ng Supreme Court na kapag ang isang immovable property ay naibenta sa dalawang magkaibang tao, ang unang nakapagparehistro ng sale sa Registry of Deeds ang siyang kikilalaning may-ari.
Ito ang konsepto ng "first in time, stronger in right."
Pero may catch.
Hindi sapat na ikaw ang unang nakapagparehistro. Kailangan din na ginawa mo iyon in good faith.
Ibig sabihin, wala kang alam na may problema o depekto sa karapatan ng nagbenta, at wala ring mga circumstances na dapat sana'y nag-udyok sa'yo na magsiyasat pa bago mo ipinatitulo ang property.
Kaya ang lesson dito?
Huwag maging kampante dahil lang may hawak kang Deed of Absolute Sale.
Ang deed of sale is only one step in acquiring ownership. Hangga't hindi pa naipapasa at naipaparehistro ang titulo sa pangalan mo, may mga legal risks na maaari pa ring mangyari depende sa facts ng bawat kaso.
Paalala lang. Protect your rights. Finish the process.
Sa pagbili ng lupa, hindi nagtatapos ang transaction sa pirmahan ng deed of sale. Mas mahalagang matapos ang buong proseso, mula pagbabayad ng tamang taxes, registration, hanggang transfer ng titulo sa iyong pangalan.