Manong Atty. King

Manong Atty. King Abogado po ninyo!

Manong Atty. King tanong lang po ang warrant of arrest po ba ay pwedeng iserve ng lawyer sa kanyang kliente o pwede bang...
22/05/2026

Manong Atty. King tanong lang po ang warrant of arrest po ba ay pwedeng iserve ng lawyer sa kanyang kliente o pwede bang iserve sa lawyer ang warrant of arrest on behalf sa kanyang kliente.

Sagot: Hindi po pwede.

Ang arrest ay ang pagkuha o paglagay sa kustodiya sa isang tao upang sagutin ang krimen na maaring siya ay may pananagutan

Sino ba nag eexecute ng warrant? Ang sabi ng rules "head of the office to whom the warrant of arrest was delivered" alam naman nating lahat na law enforcements officers o mga police ang gumagawa niyan na dinirekta ng korte na mag serve dito.

Wala pong makikita na probisyon sa Revised Rules of Criminal Procedure o particular sa Rule 113 na ang lawyer ay pwedeng iserve ang warrant sa kanyang kliente o iserve sa kanya ang warrant on behalf sa kanyang kliente.

Pwede bang ikaw mismo ang huhuli at magpapa kulong sa iyong kliente! O ikaw ang magpapahuli at magpapakulong on behalf sa kliente mo!🤔

Another piece of good news is received again today. A favorable judgment is granted to my client in other case. Thank yo...
23/04/2026

Another piece of good news is received again today. A favorable judgment is granted to my client in other case. Thank you lord.

"Might be de minimis but, with substantial impact". Just secured a favorable result for my client today. Thank you lord.
22/04/2026

"Might be de minimis but, with substantial impact". Just secured a favorable result for my client today. Thank you lord.

21/04/2026

Manong Atty. King, kami po ay nagbibusiness ng grains trading sa aming lugar na kung saan kami po ay lisensyado/rehistrado at nakapermit sa ahensya ng gobyerno sa lugar na kami ay nagooperate. Ngayon may pumasok na nagpakilalang owner ng grains trading business na ang kanyang lisensya daw ay regional kaya ang rason nila pwede daw sila mag operate kung saan nila gusto. Ang problema ngayon yung mga nakautang sa amin na mais at palay at napagkasunduang pambayad sa mga nahiram nila na mga agrikultural supplies noong taniman at nabenta na sa kanila at hindi na nakapagbayad sa amin ang mga may utang.

Tanong ko lng po legal ba na pumasok ang nasabing grains business sa mga municipalidad na kung saan hindi naman sila rehistrado at lisensyado sa ahensya ng gobyerno na mag operate?

Sagot:
In my most humble legal opinion, una ang Regional at/o National Licensing ng grains business ay karaniwan ibinibigay ng ahensya ng gobyerno tulad ng NFA.

Ngunit legal ba talaga na pumasok sila sa ano mang musipalidad? Hindi po basta basta pwedeng pumasok sa kadahilanang ang operansyon ay alinsunod sa batas at patakaran ng lgu sa lugar o municipalidad. Bago makapasok at makapag operate kailangan ang business/branch ng business ay makapgsecure ng mga papel at dokumento sa lugar, tulad ng DTI, Mayor's Permit, Registration sa BIR, Lisensya at iba pang mga dokumento sa mga ahensya ng gobyerno na kung saan sila ay mag ooperate.

Tulad din ng mga grains businesses na meron sa musipalidad maliit man o malaki sila po ay minamandatohan na magsecure ng mga kailangang dokumento sa lugar para legal na makapag operate.

Ang operasyon ng business na walang sapat na dokumento, rehistrado, lisenya sa lugar o musipalidad na itoy nag ooperate ay hindi tama o itoy illegal na operation ng business.

Paalala!
Lahat ng tao ay may karapatang mag business at kumita at mas masayang kumita at magoperate kung itoy nasa tama at legal na pamamaraan. Maging patas malaki man ang business o maliiy. Lalong lalo na sa mga micro businesses na ang hangad lang ay kumita ng maayos para maitawid ang araw araw na pangangailangan.

03/04/2026

Manong Atty. King, palagi nalang walang wifi connection sa aming bahay, nagbabayad naman kami ng maayos sa tuwing sila ay naniningil. Wala naman pong bagyo o ano mang aberya para maka apekto sa koneksyon. Palagi po kaming nagrereklamo sa kanila bakit madalas walang koneksyon ngunit wala naman po silang ginagawang aksyon ang mahirap po hindi po sana kami papayag magpakonekta kung hindi nila sinabi ng paulit ulit na malakas at walang magiging problema sa koneksyon ngunit ngayon madalas na ang aberya wala naman po silang ginagawa tu gkol dito. May kaso po ba para dito at saan po namin idulog ang reklamo kung meron man. Maraming salamat po.

Sagot: Oppsss, laging tandaan na bagamat itoy simpleng reklamo o issue lang ay hindi ibig sabihin na walang legal na implikasyon.

Mga pwedeng reklamo.

Base sa Consumer Act of the Philippine o RA 7394

1. Administratibong reklamo sa ahensya ng National Telecommunication Commissions o NTC kung ang Internet Service Provider ay palagi o madalas mawalan ng koneksyon, mabagal na serbisyo, madalas na outrage o hindi pag aksyon sa report o tinatawag na breach of service standard.

2. Maari din tumungo sa DTI o Department of Trade and Industry kung may unfair and deceptive practices halimbawa kung nagbabayad ka ng bills ngunit palagi o madalas walang koneksyon o wala naman talagang internet.

3. Maari rin pong magsampa ng civil para sa danyos for breach of kontract. Ang konsumer ay may obligasyon na magbayad ng bills at ang ISP ay obligado na magbigay ng maayos at magandang serbisyo.

4. Pwede ring pong magsampa ng reklamo sa mababang korte ng small claims upang maibalik ang mga naibayad na bills sa kabila ng walang maayos na serbisyo.

Sa panahon ngayon internet ay nagiging bagong basic need ng mga tao para sa maayos at magandang komunikasyon sa pamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay, kaklase o trabaho.

Advocating with integrity, defending with purpose.Your voice. Your rights. Our mission. ⚖️
30/03/2026

Advocating with integrity, defending with purpose.

Your voice. Your rights. Our mission. ⚖️

28/03/2026

Capili Law Office business schedule is from Monday-Friday at 9am-4pm. Appointment is required every Saturday.

For appointments, you may message us here or reach us through this number, 09615343586/ 09678625626. Thank you. Godbless.

Capili Law Office will open tomorrow, March 23, 2026 (Monday)at 9am-4pm.Official Business Schedule:Monday- Friday (9am-4...
22/03/2026

Capili Law Office will open tomorrow, March 23, 2026 (Monday)at 9am-4pm.

Official Business Schedule:
Monday- Friday (9am-4pm)
Saturday- (For appointment only)

⚖️ YOUR TRUSTED LEGAL PARTNERCAPILI LAW OFFICE will be opening on Friday, March 20, 2026!📍 Find us at:National Highway, ...
18/03/2026

⚖️ YOUR TRUSTED LEGAL PARTNER

CAPILI LAW OFFICE will be opening on Friday, March 20, 2026!

📍 Find us at:
National Highway, Centro Sur, Alcala, Cagayan
Landmark: Beside Mrs. G Bakeshop
🕒 Office Hours:
Monday – Friday| 8:00 AM – 5:00 PM

18/03/2026

I got over 90 reactions on one of my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

Address

Tamban
Alcala
3507

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manong Atty. King posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category