11/03/2026
Mga mema ito na...
Ang MWO Dubai ay kasalukuyang nag-sasagawa ng PRE-SCREENING process para sa mga humihingi ng tulong para maka-uwi ng Pilipinas.
Kaugnay nito, mangyari lamang na sagutan at ihanda ang mga dokumentong hinihingi:
1. Hawak nyo po ba ang inyong original valid Philippine Passport? (I-send ang kopya)
2. Hawak nyo din po ba ang inyong original EID? (I-send ang harap at likod na bahagi ng EID).
3. Ano ang iyong kasalukuyang visa: Employment, Spouse, Dependent, Partner, o Investor?
4. Ano ang status ng inyong visa: Active, Cancelled, o Cancelled with violation such as overstay at absconding?
**Kung Cancelled na, pasend po ng copy ng cancellation nyo.
**Kung active po, nainform po ba ang inyong employer na kayo ay nag-aapply ng repatriation?
5. Maari po bang magsend kayo ng screenshot ng "Travel Ban" na matatagpuan po sa inyong Dubai Police App. (nag-send po kami ng proseso ng pag'check sa Dubai Police App.)
6. Meron po ba kayong mga first degree** relatives na kasama sa repatriation? Ilan po sila? Ano ang kanilang kasalukuyang visa?
**Ano ang First Degree Relatives base sa inyong civil status:
- Kapag Single : (Magulang at Kapatid)
- Kapag Married : (Asawa at mga anak)
- Kapag Single Parent : (Magulang, kapatid at anak)
**Kapag may ANAK : Siguraduhin na dokyumentado ang bata upang siya ay makapag byahe. (Original Passport at Valid na visa)
*REQUIREMENT: Birth certificate, Marriage Certificate (if married). If the applicants are siblings, the birth certificates of the OFW and the sibling are required. *
7. Hawak niyo po ba ang original valid Philippine Passport ng inyong relatives. (I-send ang kopya ng kanilang Passport at EID front and back)
8. Paki-send ng inyong address at contact number dito sa UAE gayun din ang email address.
Salamat po.
Pm nyo lang po ako..
Note: Para sa gustong umuwi, Again, sana buo ang loob ng mga mag fill up para di masayang ang flight na inaayos ng ating gobyerno para sa atin. - . Baggage limitation 1pc 25kg check in and 7 kg hand carry. Assembly place will be at MWO Dubai