09/06/2025
Minsan, yung mga nanay natin, di natin naiintindihan. Minsan kasi, direct to the point sila magsalita, minsan tagos sa buto. Pero lahat ng 'yun ay para lamang sa ikakabuti natin.
May mga araw talaga na uuwi tayong pagod, tapos may maririnig tayong sermon sa nanay natin. Pero sa totoo lang, concern lang talaga sila. Gusto lang nilang siguraduhin na ayos tayo kahit hindi nila tayo kasama buong araw.
Kapag may problema tayo, sila yung unang nakakapansin kahit hindi pa natin kinukwento. Ramdam nila agad kung may bumabagabag sa atin. Minsan isang tingin lang nila, alam na nila kung may mali.
Nakakainis man minsan yung paulit-ulit nilang paalala, pero darating yung time na mamimiss din natin 'yun. Kapag malayo na tayo sa kanila, doon natin marerealize kung gaano kalaking bagay yung simpleng “Ingat ka ha.” nila. Simple pero punong-puno ng pagmamahal.
May mga pagkakataon din na nasasaktan natin sila sa mga salitang hindi natin sinasadya. Pero kahit gano’n, sila pa rin yung unang lumalapit at nagpapakumbaba. Gano’n magmahal ang nanay, palaging nauuna ang puso.
Kaya habang nandiyan pa sila, yakapin natin, kausapin natin, pasayahin natin sila. Hindi kailangan ng bonggang regalo para iparamdam ang appreciation. Minsan, sapat na yung makinig ka, at sabihing “Ma, salamat ha.”
Allan K