25/04/2026
Ay aba, wag na nating padagdagan yang kabataang namamatay sa mga bakbakan, Ms. Tuesday Vargas!
Actually, kaisa mo kaming mga sundalo dyan.
Let me explain.
Sabi pa ni James Stavridis, isang batikang military thinker sa counterinsurgency warfare, "You can't kill your way to success in a counterinsurgency effort."
Ibig sabihin, di ito masolusyonan ng bodycounts. Aral ito sa COIN warfare sa Algeria, Vietnam, Iraq, Vietnam, at sa graveyard of empires, ang Afghanistan.
Syempre, aral din ito ng mga Amerikano sa "Philippine Insurrection noong 1900s" (Filipino-American War) at ang namana ng AFP na internal security campaign.
Alam na alam namin na pag maraming namamatay, maraming nagagalit. Ang galit na ito ay ginagamit para linlangin ang iba na lumaban na naman. Pag ganon ang kalakaran, aba eh wala nang katapusan ang patayan.
PROBLEMA
Ang core problems na drivers ng armed conflicts sa Pilipinas ay non-military in nature.
Kahirapan. Pang-aabuso ng haring uri. Pang-aapi ng oligarko. Pangungurap ng taong gobyerno. Kamangmangan. Pangangamkam ng lupa mula sa mga tribo.
Lahat yan ay hindi masolusyonan gamit ang baril, gamit ang patayan.
SOLUSYON
Ang pagiging komunista ay hindi ipinagbabawal sa Pilipinas. Lalong hindi ipinagbabawal ang pagiging aktibista para lumahok sa mapayapang pamamaraan. Hindi bawal ang maglatag ng mga solusyon. Hindi bawal ang manawagan sa pamahalaan para ang mga isyu ay maaksyunan.
Pero, magpakatotoo na tayo ha. Kakaiba ang komunismo sa Pilipinas kung ikumpara mo sa mga bansa na may communist party sa pulitika.
Ano ang kaibahan?
Armed struggle. Armadong pakikibaka. Marahas na pamamaraan.
Ang komunista sa Pilipinas ay naniniwala na ang barrel of the gun ang ultimate option.
Kaya, pinanatili ng mga komunista sa Pilipinas ang "Pangmatagalang Digmaang Bayan".
Tuloy ang pag rekrut ng mga mga mahihirap na tao sa kanayunan para gawing hukbo na panlaban.
Syempre, kailangan ding magrekrut ng mga lider o cadre, ang mga intelektwal para mamuno sa mga hukbo. Ang mga cadre (leadership) ay ang Center of Gravity (COG) sa bawat NPA Platoon.
Ang mga cadre na ito ay ang mga brainwashed recruits mula sa legitimate student orgs sa mga unibersidad at kolehiyo. Sila yong ipinapadala sa kanayunang may NPA platoons para hubugin na maging NPA commanders at political instructors!
Eh, labag sa batas ang pagbitbit ng armas, pamamaslang (revolutionary justice kuno), pangingikil, pamamaril ng kahit sino. Syempre, iyan ang dahilan kung bakit nagdi-deploy ng sundalo at pulis para ipagtanggol ang mamamayan na ayaw ng karahasan.
Kung ang mga kaibigan mong aktibista ay nag susuot mandirigma, nagbibitbit ng armas at kapiling na ng kilabot na mga murderers at arsonists na NPA, sila ay nagiging combatants ayon sa batas pakidigma!
Pag mag aabutan na ang NPA at sundalo sa mga bakbakan, aba di na nagtatanungan kung sino ang dating aktibista na kakarating lang para mag training bilang NPA!
Dios mio, simpleng analysis lang yan eh!
Lastly, kung manawagan kayo ng JUSTICE FOR TOBOSO 19 (mga napatay na NPA combatants), baka pwede isama sa placards nyo ang JUSTICE FOR NEGROS 49 (Mga sibilyan na hinatulan ng NPA ng kamatayan)!
(Photo CTTO)