19/09/2026
“𝐒𝐍𝐀 𝐌𝐏𝐒 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐇𝐎𝐎𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐀𝐓 𝐏𝐎𝐒𝐓𝐄𝐃 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀”
Tinitiyak ng 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, school personnel, at mga magulang na ang naiulat na school shooting threat na ipinost sa social media ay agad nang naaksyunan at nabigyan ng kaukulang intervention ng kapulisan, katuwang ang pamunuan ng paaralan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga g**o, at mga kinauukulang barangay authorities.
Agad na nagsagawa ng pagbisita at assessment ang mga tauhan ng SNA MPS sa pangunguna ni 𝐏𝐌𝐀𝐉 𝐀𝐑𝐍𝐄𝐋 𝐏. 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐃𝐀, Chief of Police , kasama ang mga kinatawan ng paaralan, MSWDO, at barangay upang malaman ang tunay na kalagayan at dahilan sa likod ng naturang post. Sa isinagawang pakikipanayam sa estudyante, kasama ang kanyang guardian, naipaliwanag ang seryosong epekto at posibleng legal na pananagutan na maaaring idulot ng paggawa o pagbabahagi ng anumang mapanganib o nagbabantang pahayag sa social media. Ang naturang estudyante ay iniwan sa pangangalaga ng kanyang guardian at patuloy na sasailalim sa monitoring, counseling, at intervention ng MSWDO.
Walang dahilan upang mangamba o mag-panic ang ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang. Agad na kumilos ang SNA MPS upang matukoy at matugunan ang nasabing banta, at patuloy ang koordinasyon ng kapulisan sa paaralan at iba pang stakeholders upang mapanatili ang kaligtasan ng buong school community. Bilang karagdagang preventive measure, papanatilihin at palalakasin ng SNA MPS ang police visibility at security deployment sa mga paaralan, gayundin ang regular na pagbisita, pakikipag-ugnayan, at dialogue sa mga school administrators, g**o, mag-aaral, at mga magulang upang agad na matugunan ang anumang security concern.
𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙎𝙉𝘼 𝙈𝙋𝙎: Ang bawat banta na ipinapahayag o ibinabahagi online ay sineseryoso ng kapulisan. Hindi dapat gawing biro, prank, o paraan upang makakuha ng likes at atensyon ang anumang post na maaaring magdulot ng takot o panganib sa ibang tao. Hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga kabataan, na maging responsable sa paggamit ng social media, mag-isip bago mag-post o mag-share, at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad o school officials ang anumang kahina-hinala o nagbabantang content.
Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay responsibilidad nating lahat. Patuloy na makikiisa ang SNA MPS sa ating mga paaralan, g**o, magulang, at kabataan upang matiyak na ang ating mga paaralan ay mananatiling ligtas na lugar para sa pagkatuto, paglago, at pag-abot sa mga pangarap. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na police presence, dialogue, counseling, at pagtutulungan ng buong komunidad, sama-sama nating mapapanatili ang katahimikan at seguridad sa ating mga paaralan.