20/08/2026
PLESP sa Bayan ng San Vicente
Agosto 18–19, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman ng mga tagapagpatupad ng batas sa lokal na antas, isinagawa ang Provincial Legal Orientation Seminar on Law and Enforcement noong Agosto 18, 2026 sa pangunguna ni Acting Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, matagumpay na naisakatuparan ang seminar at orientation na nilahukan ng mga kawani ng Municipal Public Safety and Enforcement Program (MPSEP) ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente.
Pinasinayaan ang programa nina Municipal Mayor Ramir Rodriguez Pablico at Sangguniang Bayan Member Rowell C. Molo, na nagpaabot ng kanilang mensahe at suporta sa mga kalahok at sa layunin ng aktibidad.
Tinalakay sa nasabing orientation ang mahahalagang batas na nagsisilbing gabay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin patungkol sa pangangalaga sa kapaligiran:
• P.D. No. 705 — Revised Forestry Code of the Philippines
• R.A. 9003 — Ecological Solid Waste Management Act of 2000
• R.A. 9175 — Chain Saw Act of 2002
na ibinahagi ng Provincial Council for Sustainable Development o PCSD sa pamamagitan nina Atty. Caroline Legaspino, Atty. Ria Gabinete, at Atty. Jan Vemer Ponce de Leon.
Tinalakay din ang:
• R.A. 8749 — Philippine Clean Air Act at
• R.A. 9275 — Philippine Clean Water Act
na ibinahagi naman ni Atty. Ariel A. Abis ng Provincial Legal Office.
Binigyang-diin sa seminar na sapat na kaalaman sa batas ang susi sa maayos at tapat na pagtupad sa kanilang mandato.
Sa pamamagitan ng mga talakayan, inaasahang lalo pang mapauunlad ang kanilang kakayahang ipatupad ang mga ordinansa at batas lalo na sa pangangalaga ng kalikasan, pagpapanatili ng kaayusan, at paghahatid ng mas mahusay na serbisyo publiko.
Sa ikalawang araw, nagsagawa naman ng Libreng Legal Konsultasyon, Paggawa ng Sinumpaang Salaysay (Affidavit), at Libreng Serbisyong Notaryo para sa mga mamamayan ng San Vicente. Sa kabuuan, 74 na kliyente ang nakinabang sa nasabing aktibidad.
Kasama ang Integrated Bar of the Philippines-Palawan Chapter (IBP - Palawan) naglaan ng kanilang oras at libreng serbisyo ang mga sumusunod na abogado: Atty. Rolando Ba-alan, Atty. Pen Angelo Rombo, Atty. Elgieraydolph Buison, Atty. Ira A. Dela Rosa, Atty. Roky Dayoan, Atty. Caroline A. Legaspino, Atty. Ria Lynne Gabinete, Atty. Jan Vemer Ponce de Leon, at Atty. Ariel Abis ng Provincial Legal Office.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, Provincial Legal Office, Integrated Bar of the Philippines, at iba pang katuwang na ahensya, patuloy na inilalapit ang kaalaman sa batas at libreng serbisyong legal sa taumbayan. ⚖️🤝