Alpeche & Penales Law Office

Alpeche & Penales Law Office Law office based in Pagadian City, Philippines, that offers legal and notary services

Dearest clients, we are excited to announce that we have moved to a new location! You can now find us at F. Duterte Stre...
28/01/2025

Dearest clients, we are excited to announce that we have moved to a new location! You can now find us at F. Duterte Street, Gatas District, Pagadian City, right across Olympus Music Lounge. Thank you for your continued support!

29/12/2024

Enjoy the holidays!

08/12/2024

Mga Chat Log At Bidyo, Pwedeng Gamiting Ebidensya Sa Mga Kasong Kriminal — Korte Suprema

Maaaring gamiting ebidensya sa mga kasong kriminal ang mga chat log at bidyo at hindi ito maituturing na paglabag sa right to privacy ng isang akusado, ayon sa Korte Suprema.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, napatunayang guilty ng Second Division ng Korte Suprema sa kasong qualified trafficking in persons sa ilalim ng Anti-Trafficking of Persons Act si Eul Vincent O. Rodriguez (Rodriguez), gamit ang Facebook at ibang online platform. Sinentensyahan siya ng life imprisonment at pinatawan ng multang nagkakahalaga ng PHP 2 milyon.

Taong 2014 nang mahuli si Rodriguez sa isang entrapment operation ng Anti-Human Trafficking Task Force ng Region 7 (Task Force) matapos alukin ang 14-anyos na si AAA sa hotel para gumawa ng live na hubo’t hubad na palabas.

Sinimulang imbistigahan ng Task Force si Rodriguez noong 2013 matapos makakuha ng tip mula sa United States Immigration and Customs Enforcement. Gamit ng isang decoy account, nakipag-ugnayan ang isang pulis kay Rodriguez sa iba't ibang online na platform na may record ng kanilang mga ugnayan.

Sa pagpatibay sa hatol kay Rodriguez, sinabi ng Korte na ang mga bidyo at recording ng mga chat logs ni Rodriguez at ng pulis ay maaaring tanggapin bilang ebidensya.

Tinanggihan ng Korte ang mga argumento ni Rodriguez na inadmissible ang nasabing ebidensya dahil sa paglabag sa kanyang privacy rights. Ang Republic Act No. 10173, o Data Privacy Act of 2012, ay nagpapahintulot sa pagproseso ng sensitibong personal na impormasyon upang matukoy ang kriminal na pananagutan ng isang tao at upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga tao sa paglilitis sa korte.

Paliwanag pa ng Korte, walang paglabag sa right to privacy dahil ang mga chat log at bidyo ay isinumite bilang ebidensya para masuri ang kanyang criminal liability para sa qualified trafficking.

Iginiit ng Korte na ang mga nakalap na ebidensya ay iprinisinta para ipakita ang paraan ni Rodriguez ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan sa pamamagitan ng Skype o Facebook at pag-aalok ng mga menor de edad para sa sekswal na pananamantala.

Basahin ang press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-chat-logs-videos-may-be-used-as-evidence-in-criminal-cases/

Basahin ang buong Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/263603-people-of-the-philippines-vs-eul-vincent-o-rodriguez/



08/12/2024

Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang isang taong may intellectual disability ay hindi diskwalipikado na tumestigo sa korte dahil lamang sa kanyang kapansanan.

Hinatulang guilty ng Korte sina Jose Roel Sison Bragais (Bragais) at Alfredo Evangelista Tacuyo (Tacuyo) sa pagpatay sa isang 12-anyos na babae. Pinaniwalaan ng SC ang nag-iisang saksi na na-diagnose na may “moderate mental retardation.”

Binigyang-diin ng Korte na ang kakayahan ng isang tao na tumestigo ay nakasalalay sa kanyang kapasidad na magbahagi ng kanyang nalalaman. Kung malinaw at naiintindihan ang kanyang patotoo, maaari itong tanggapin ng Korte.

Ito ay naaayon sa A.M. No. 19-08-15-SC, na inamyendahan ang Revised Rules on Evidence para isaad na ang lahat ng “mga taong kayang umunawa at nakakaunawa, at may kakayahang ipahiwatig ang kanilang nauunawaan sa iba, ay maaaring maging mga saksi.”

Sinabi ng Korte Suprema na nagkaroon ng pagkakataon ang trial court na obserbahan ang kilos ng saksi at may sarili itong assessment sa kanyang kakayahang magsabi ng totoo.

Sa pasya ng RTC, hindi pabagu-bago at hindi natitinag ang testimonya ni Mambo sa pagtukoy sa mga akusado bilang mga indibidwal na gumawa ng krimen.
Ayon sa Korte Suprema, napatunayan din ng prosekusyon ang lahat ng elemento ng kasong murder batay sa ebidensya.

Pinaalala rin ng Korte ang paggamit sa mas mabuting paraan para sa pagtukoy sa mga taong may kapansanan. Iminungkahi nito ang paggamit ng people-first language, na nagbibigay-diin sa indibidwal bago ang kanilang kapansanan. Habang ang terminong "mental retardate" ay isang lehitimong terminong medikal, sinabi ng Korte na hindi na ito kanais-nais gamitin dahil sa mga negatibong kahulugan nito.

Ang Desisyon ay mula sa Second Division ng Korte Suprema, na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-reiterates-ruling-that-persons-with-intellectual-disabilities-not-disqualified-from-testifying-urges-use-of-people-first-language/

Basahin ang buong Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/270580-people-of-the-philippines-vs-jose-roel-bragais-y-sison-and-alfredo-tacuyo-y-evangelista/



29/08/2024

Matagal na pagliban ng asawa, maituturing na Psychological Incapacity ayon sa Korte Suprema

Ang matagal ng pagkawala ng asawa sa kanilang pamamahay ay maaring ituring na katibayan ng psychological incapacity na basehan para ipawalang-bisa ang kasal.

Sa Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang kasal nina Leonora at Alfredo matapos mapatunayan na tumanggi si Alfredo na magbigay ng pinansyal na suporta sa kanyang pamilya at tuluyang iniwan si Leonora at kanilang mga anak simula 1994.

Napatunayan ding nagkaroon ng relasyon si Alfredo sa ibang mga babae.

Ayon sa Korte Suprema, nakasaad sa Article 68 ng Family Code na obligasyon ng mag-asawa na magsama, magpakita ng pag-ibig, respeto, at katapatan sa isa't isa, at magbigay ng tulong at suporta.

Ang pangangaliwa ni Alfredo, ang kanyang matagal na pagkawala sa tahanan at ang hindi pagbibigay ng suporta sa kanyang misis at anak ay nagpapakita na hindi nya naiintindihan ang kanyang mga obligasyon bilang asawa at ama.


12/08/2024

We are closed today. See you tomorrow!

Address

F. Duterte Street, Gatas
Pagadian City
7016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alpeche & Penales Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share