15/12/2024
𝗣𝗮𝗴-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗠𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗢𝗙𝗪 𝗻𝗮 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗻𝗶 𝗔𝗣𝗘𝗖 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦.
“KATAS NG BASURERO AT RIDER!” 🏠
Viral ang post ng isang TNVS rider kung saan ikinuwento niya ang paglilipat-bahay nila ng asawa niyang basurero sa sarili nilang bahay sa Cabuyao, Laguna.
"Lumaking mahirap pero nangakong 'di tatandang mahirap. Isa akong [rider] at asawa ng isang basurero. Nangakong magkabahay at ngayon, ito na," sinulat ng rider na si Donalyn Solano Frias sa Facebook nitong Linggo.
Aniya, nitong November 29 naganap ang paglipat.
“7 years old ako noong iniwan kami ng nanay namin at a very young age—natutong maghanapbuhay. Nangalakal, nagtinda ng plastik sa palengke, namalimos para lang makakain at makapag-aral,” patuloy niya.
“Hanggang sa inampon ako noong 10 years old ako pero ‘di rin nakapagtapos—hanggang 2nd year high school lang [dahil] sa malalim na dahilan,” dagdag ni Frias.
Ibinahagi ni Frias ang sunud-sunod na hamon na kaniyang kinaharap hanggang makita niya ang kaniyang kabiyak.
“Hanggang sa nakapag-asawa ng isang basurerong ‘di nakapagtapos pero masipag, may dedikasyon sa buhay, may pangarap sa buhay—tumayo sa sariling mga paa. Lumaki rin siyang walang magulang at maaga rin natutong maghanapbuhay. Masasabi kong swerte ako sa aking naging kabiyak dahil masipag—ramdam ko ang pagmamahal sa amin hanggang sa biniyayaan kami ng anak,” pahayag niya.
Ayon kay Donalyn, matagal niya nang inaasam na magkaroon ng sariling bahay.
“Dati, isa sa pangarap ko makapag-post dito sa Home Buddies, hindi para magyabang kundi para makapag-inspire ng mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay,” patuloy ni Frias.
Matapos daw ang mahabang panahon ay nagpapasalamat siya dahil dumating na ang araw na matagal na hinintay.
"Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na amin ito, pinaghirapan namin ito, sa amin ito nakapangalan, katas ng aming sipag at tiyaga mag-asawa. Salamat sa aking asawa na katuwang ko sa lahat. Hulugan man through PAG-IBIG mahalaga mayroon. Mabagal man, mahalaga umuusad. Thank you, Lord," sinabi niya sa dulong bahagi ng kaniyang post.
Lubos na nagpasalamat si Frias sa Panginoon dahil sa biyayang nakamit.
"Isa lang ang natutuhan ko sa buhay: bawal maging tamad ang isang mahirap. Talo man ako sa edukasyon, sisikaping manalo sa napili kong propesyon. Meet my simple house… Thank You Lord,” pahayag niya.
📷 Donalyn Solano Frias