02/09/2026
**Bagong pamunuan, mas malakas na boses para sa manggagawang Bataeño! ✊💙**
Maraming salamat po, **Governor Joet Garcia**, sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makapanumpa bilang bagong mga opisyal ng **Coalition of Labor Unions of Bataan (CLUB)**.
Sa bagong pamunuan ng CLUB, mas paiigtingin natin ang pagkakaisa at pagsusulong ng kapakanan ng ating mga manggagawa. **Mas maririnig, mas mapapansin, at mas maipaglalaban ang boses ng bawat manggagawang Bataeño.** ✊
Patuloy po kaming makikiisa at makikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan para sa mga programang tunay na makatutulong sa ating mga manggagawa.
**Maraming salamat po, Governor Joet Garcia! Sama-sama para sa manggagawang Bataeño!** 🇵🇭💙