F. Agno Perez Law Office

  • Home
  • F. Agno Perez Law Office

F. Agno Perez Law Office Helping you navigate the legal waters, every step of the way.

25/02/2026

Muling iginiit ng na ang paghahalughog matapos ang isang legal na pag-aresto ay maaring sumakop sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado. Maaaring tanggapin ng hukuman ang anumang mga ebidensiyang makukuha sa paghahalughog kahit hindi ito lantad sa paningin ng mga umarestong pulis.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala kay Jeryl Bautista dahil sa illegal possession of dangerous drugs under Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended.

Naaresto sa isang buy-bust operation si Bautista. Matapos mahuli, kinapkapan siya ng mga pulis at nakuhanan siya ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng isang cellphone charger.

Depensa ni Bautista, hindi dapat tanggapin bilang ebidensiya ang mga karagdagang sachet dahil hindi ito lantad sa paningin ng mga pulis nang kumpiskahin ito noong siya’y naaresto.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala ng Regional Trial Court at Court of Appeals at isinantabi ang kanyang argumento. Paliwanag nito, hindi lamang ang plain view doctrine ang batayan para maging wasto ang isang warrantless search dahil maaari ring magsagawa ng paghahalughog sa isang taong naaresto nang naaayon sa batas.

Sa pangkalahatan, kinakailangan ang warrant sa paghahalughog at pagsamsam ng anumang ebidensiya. Kapag nagsagawa ang pulisya ng paghahalughog o pagsamsam nang walang wastong warrant, hindi maaaring gamitin sa hukuman ang mga ebidensiyang makukuha. Gayunman, may mga kinikilalang exception o pagpapaliban sa patakarang ito.

Isa sa mga ito ang plain view doctrine na nagpapahintulot sa pagsamsam ng ebidensiyang lantad sa paningin kung: (1) may legal na dahilan ang pulis na naroroon sa lugar kung saan nakita ang bagay; (2) hindi planado ang pagkakadiskubre nito; at (3) agad na malinaw na ang bagay ay may kaugnayan sa krimen o labag sa batas.

Isa pang kinikilalang exception ang warrantless search na kaugnay ng isang legal na pag-aresto. Para maging wasto, kinakailangang: (1) legal ang pag-aresto sa akusado; (2) isinagawa ang paghahalughog nang walang warrant matapos ang pag-aresto; (3) limitado ang paghahalughog sa katawan ng akusado at sa mga bagay na nasa kanyang agarang kontrol; at (4) isinagawa ito sa lugar ng pag-aresto.

Sa kasong ito, inaresto si Bautista sa isang buy-bust operation at siniyasat bilang bahagi ng pagkakaaresto sa kanya. Bagaman hindi lantad sa paningin ng mga pulis ang mga sachet na nakatago sa loob ng cellphone charger, sinabi ng Korte Suprema na wasto pa rin ang paghahalughog dahil isinagawa ito bilang bahagi ng isang legal na pag-aresto at sumasaklaw sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado sa oras ng pag-aresto.

Dahil napatunayan ng prosekusyon na: (1) may droga sa kanyang pag-iingat; (2) walang pahintulot ng batas ang naturang pag-iingat; at (3) ginawa ito nang may kaalaman at kusang-loob, hinatulan ng Korte si Bautista ng pagkakakulong ng hanggang 16 na taon at pinagmulta ng PHP 300,000.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=161226.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=161221.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


20/02/2026

Naglabas ang ng mga panuntunan sa pagsuri ng mitigating circumstance ng boluntaryong pagsuko at nilinaw na ang nasabing pangyayari ay dapat suriin batay sa tunay na layunin ng tao at sa kabuuan ng mga pangyayari.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ng isang lalaki at ibinaba ang kanyang parusa matapos kilalanin ang kanyang boluntaryong pagsuko nang malaman niya na may inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Nagpunta ang lalaki sa National Bureau of Investigation (NBI) para kumuha ng clearance. Lumabas na may “hit” ang kanyang pangalan, na nagpapakitang mayroon siyang nakabinbing kaso. Inamin niya ito sa opisyal ng NBI.

Inatasan siyang bumalik makalipas ang isang linggo habang bineberipika ang mga rekord. Pagbalik niya, kinumpirma ng opisyal ng NBI na mayroon siyang nakabinbing kasong bigamy at may nakabinbing warrant of arrest na inilabas 13 taon na ang nakararaan. Sinabi niya sa opisyal, “masuko na lang ako,” at humingi ng tulong para makapagpiyansa. Pagkatapos nito, inihain sa kanya ang warrant of arrest.

Kalaunan, naglabas ang NBI ng sertipikasyon na kusang-loob siyang sumuko. Gayunman, sa return of the warrant at order of release, inilarawan siya bilang inaresto.

Sa kanyang arraignment, una siyang nagbigay ng not guilty plea ngunit kalaunan ay nakipag-plea bargain at hiniling sa hukuman na isaalang-alang ang kanyang boluntaryong pagsuko at pag-amin ng kasalanan.

Hinatulan siya ng Regional Trial Court (RTC) ng guilty sa kasong bigamy at kinilala ang kanyang pag-amin sa kasalanan bilang mitigating circumstance. Gayunman, sinabi ng RTC na wala umanong naganap na boluntaryong pagsuko base sa return of the warrant at order of release. Binigyang-diin din na nakabinbin ang kaso sa loob ng 13 taon dahil hindi siya matagpuan.

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyong ito at sinabing nagtungo siya sa NBI hindi para sumuko kundi para kumuha ng clearance. Dagdag pa ng CA, wala na umano siyang pagpipilian nang sabihin niyang susuko siya dahil nasa loob na siya ng tanggapan ng NBI.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema.

Sa ilalim ng Article 13(7) ng Revised Penal Code, kailangan sa boluntaryong pagsuko na: hindi pa naaresto ang nagkasala; kusang-loob siyang sumuko sa isang taong may awtoridad o sa kinatawan nito; at boluntaryo ang pagsuko.

Sa kasong ito, bumalik ang lalaki sa NBI at sinabi niyang susuko siya bago pa man aktuwal na maihain sa kanya ang warrant of arrest. Hindi pa siya noon naaresto. Sumuko rin siya sa isang opisyal ng NBI na isang taong may awtoridad.

Nagpasya ang Korte Suprema na dapat tingnan ang boluntaryong pagsuko sa isang mas maunawain at malawak na pananaw kapag napatunayan na ang pagkakasala. Binigyang-diin nito na dapat suriin ang boluntaryong pagsuko batay sa kabuuan ng mga pangyayari. Naglatag ito ng mga sumusunod na gabay:

1. Ang pagiging boluntaryo at kusang pagsuko ay dapat magpakita na ang nagkasala ay umaamin sa kanyang pagkakasala o nagnanais na iligtas ang mga awtoridad sa abala ng paghahanap at pag-aresto sa kanya.
2. Hiwalay sa mismong paglalabas ng warrant of arrest ang mga pangyayari ng boluntaryong pagsuko. Ang naunang paglabas ng warrant of arrest ay hindi dapat gamitin laban sa pag-aangkin ng akusado ng boluntaryong pagsuko kung ang iba pang mga pangyayari ay nagpapakita na natugunan ang lahat ng mga rekisito, kabilang ang pagiging boluntaryo. Gayunman, kung alam ng akusado ang pagkakaroon ng warrant of arrest laban sa kanya at patuloy siyang umiwas sa batas, maaari nitong maalis ang pagiging boluntaryo at kusa ng kanyang pagsuko.
3. Maaaring maging batayan para itanggi ang pagiging kusa ng pagsuko ang haba ng panahong ginamit ng akusado para umiwas sa batas.
4. Hindi nawawala ang pagiging boluntaryo dahil lamang sa may posibilidad na maaresto ang akusado anumang oras bago siya sumuko. Ang napipintong pag-aresto ay dapat may kasamang palatandaan na ang akusado ay tumakas o maaaring patuloy na umiwas at magtago bago maikaila ang pagiging boluntaryo.
5. Dapat isaalang-alang ang layunin ng akusado sa oras ng kanyang pagsuko kasama ng iba pang mga pangyayari sa pagtukoy kung siya ay may karapatan sa mitigating circumstance. Hindi kinakailangang sumuko ang nagkasala sa unang pagkakataon.
6. Kung hindi malinaw sa mga rekord na kusang-loob na sumuko ang nagkasala, ito ay hindi maaaring ipasya pabor sa kanya.

Tungkol naman sa pagiging boluntaryo ng kanyang pagsuko, binigyang-diin ng Korte Suprema na kung nais niyang umiwas sa pag-aresto, hindi na sana siya bumalik sa NBI. Bagama’t para kumuha ng clearance ang una niyang pagpunta doon, ang kanyang pasyang bumalik kahit may posibilidad na may nakabinbing kaso laban sa kanya ay nagpapakita ng kanyang kahandaang makipagtulungan sa mga awtoridad.

Nilinaw din ng Korte Suprema na bagama’t alam niya ang tungkol sa nakabinbing kaso, walang patunay na alam niyang may nailabas nang warrant of arrest laban sa kanya. Binanggit din ng Korte ang kawalan ng anumang tangkang tumakas, ang hayagang paggamit niya ng kanyang tunay na pangalan, at ang kusang-loob niyang pagbabalik sa NBI.

Pinaalalahanan rin ng Korte Suprema ang mga hukom na iwasan ang minadali o padalus-dalos na pagbuo ng konklusyon.

Ibinaba ang parusa ng lalaki mula sa anim (6) na taon sa apat (4) na taon ng pagkakakulong bilang maximum.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160857.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160836.

Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/258592-formerly-udk-no-17170-concurring-opinion-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

The Supreme Court of the Philippines has ruled that same-sex couples who live together may be recognized as co-owners of...
19/02/2026

The Supreme Court of the Philippines has ruled that same-sex couples who live together may be recognized as co-owners of property under Article 148 of the Family Code, provided there is clear proof of actual contribution. The Court emphasized that property relations of couples who are not legally allowed to marry are governed by Article 148, where co-ownership is determined based on the extent of each party’s financial or material contribution, rather than the name appearing on the title.

In this case, the Court granted a complaint for partition of property and recognized one partner as a co-owner of the house and lot she shared with her former same-sex partner. A written acknowledgment executed by one party admitting that the other had contributed substantially to the purchase and improvement of the property constituted a binding admission and sufficient proof of actual contribution, thereby establishing co-ownership.

Read the full text at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160462.

For legal guidance on property rights, co-ownership, and partition of property, you may contact our office for a consultation.

Message us at:
📞 0962-410-8669
page: F. Agno Perez Law Office
📌 2F Boragay-Daza Bldg., No. 97 Sitio Ibabaw, Dulong Bayan, City of San Jose Del Monte, Bulacan
Nearest landmark: New City Hall of City of San Jose Del Monte, Bulacan
⏰Office hours: Monday to Friday 8am to 5pm
Saturday by Appointment.

03/06/2024
"The Absolute Divorce Bill or House Bill 9349 has been approved by the House of Representative.The bill seeks to provide...
29/05/2024

"The Absolute Divorce Bill or House Bill 9349 has been approved by the House of Representative.
The bill seeks to provide absolute divorce as a legal remedy for irreparably broken marriages under specific grounds and judicial processes, with the goal of sparing children from the emotional strain of parental dispute and allowing divorced individuals to remarry.

HB 9349 lays down the comprehensive guidelines for absolute divorce petitions, encompassing grounds, procedures, and the effects on custody, property division, and support. It also includes provisions for reconciliation methods, fines, and community-based initiatives, which will be supervised by the Department of Social Welfare and Development (DSWD)."

Source: https://www.congress.gov.ph/photojournal/zoom.php?photoid=5909

Do you need help for family law matters? Message us at:
📞 0962-410-8669
page: F. Agno Perez Law Office
📌 2F Boragay-Daza Bldg., No. 97 Sitio Ibabaw, Dulong Bayan, City of San Jose Del Monte, Bulacan
Nearest landmark: New City Hall of City of San Jose Del Monte, Bulacan
⏰Office hours: Mondays to Fridays 7am to 5pm
Saturday by Appointment.

You don’t have to navigate the legal waters alone. We’re here to advocate for you, every step of the way.For inquiries a...
28/05/2024

You don’t have to navigate the legal waters alone. We’re here to advocate for you, every step of the way.

For inquiries and appointments, message us at:
📞 0962-410-8669
page: F. Agno Perez Law Office
📌 2F Boragay-Daza Bldg., No. 97 Sitio Ibabaw, Dulong Bayan, City of San Jose Del Monte, Bulacan
Nearest landmark: New City Hall of City of San Jose Del Monte, Bulacan
⏰Office hours: Mondays to Fridays 7am to 5pm; Saturdays by appointment only.

Address

2F Boragay-Daza Bldg. , No. 97 Sitio Ibabaw

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:01

Telephone

+639624108669

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when F. Agno Perez Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Law Practice?

Share