05/05/2026
MEET OUR SECOND NOMINEE: ATTY. RANDOLPH CLIMACO PARCASIO
Isang abogado, g**o, at tagapagtaguyod ng kapayapaan, si Atty. Randolph Climaco Parcasio ay naglaan ng higit apat na dekada sa paglilingkod para sa Bangsamoro at sa buong bansa. Siya ang kasalukuyang Secretary-General ng Mahardika Party at Deputy Floor Leader ng Bangsamoro Transition Authority Parliament.
Tinapos niya ang Bachelor’s Degree in English (1977) at Bachelor of Laws (1981) sa Ateneo de Davao University.
Mula noon, naging mahalagang bahagi siya ng mga peace processes sa pagitan ng Goverment of the Philippines at Moro National Liberation Front, na naglatag ng pundasyon ng kasalukuyang kapayapaan sa rehiyon.
Mga pangunahing tungkulin at ambag:
- Executive Secretary ng ARMM (1996–2001) sa ilalim ng pamumuno ni Prof. Nur P. Misuari.
- Administrator ng Southern Philippines Development Authority (2001).
- Peace Adviser ng ARMM (2016) sa ilalim ni Gov. Mujiv Hataman.
- Constitutional Review Member (2017), kabilang sa 21 miyembro na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang suriin ang 1987 Konstitusyon, na nagbunga ng “Bayanihan Constitution.”
- Opisyal na kinatawan ng MNLF sa 5th and Final Tripartite Review Meeting (2016) sa Saudi Arabia, na naglatag ng roadmap para sa ganap na pagpapatupad ng 1996 Final Peace Agreement.
Consultancy at Policy Work:
Naglingkod bilang consultant sa mga proyekto ng ADB, USAID, JICA, at The Asia Foundation, na tumutok sa public policy, taxation, Shari’ah implementation, decentralization, education, environment, at federalism.
Siya ang nagbalangkas ng Responsible Mining Act ng ARMM.
Siya rin ang nasa likod ng ARMM Administrative Code, na naging gabay sa pamamahala ng rehiyon.
Pamana ng Serbisyo:
Malawak ang kanyang karanasan sa pakikipagtulungan sa civil society organizations at government agencies, kung saan siya ay nagplano, nagpatupad, at nagpatibay ng mga polisiya para sa kapayapaan, likas-yaman, at kaunlaran ng Bangsamoro.
Ngayon, bilang ikalawang nominado ng Mahardika Party, dala ni Atty. Parcasio ang kanyang karunungan, integridad, at dedikasyon upang tiyakin na ang Bangsamoro ay mas matatag, marangal, at inklusibo.