10/04/2026
"๐๐ต๐ต๐บ., ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ฐ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ ๐ท๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฐ ๐ฑ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฏ๐ท๐ฐ๐ญ๐ท๐ฆ๐ฅ ๐ฑ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ. ๐๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฐ ๐ฑ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ญ๐ช๐ฌ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฆ๐น ๐ฌ๐ฐ. ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฑ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ญ ๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ต๐ช๐ฎ๐ข๐ต๐ฆ ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ฐ ๐ฃ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฆ๐น ๐ฌ๐ฐ?"
---
Mayroon. Kung ang iyong ex o kahit ang iyong kasalukuyang karelasyon ay kinuhanan ng video ang inyong pribadong intimate na gawain o pagtatalik nang walang pahintulot, siya ay may pananagutan sa ilalim ng ๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐ก๐จ๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐๐จ ๐๐จ๐ฒ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐๐๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐ (Republic Act No. 9995)
Ang ๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐ก๐จ๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐๐จ ๐๐จ๐ฒ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐๐๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐ (Republic Act No. 9995) ay ipinasa upang protektahan ang pribasiya, dangal, at integridad ng bawat tao, lalo na laban sa mga gawain ng mahalay na paninilip (voyeurism) at sa pagpapakalat ng mga pribado o maseselang larawan at video nang walang pahintulot.
Ang mga sumusunod na gawain ay may kaukulang parusa sa ilalim ng Section 4, R.A. No. 9995:
๐. ๐๐๐ ๐ซ๐-๐ซ๐๐๐จ๐ซ๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ง๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ. Pagkuha ng larawan o video ng isang tao habang siya ay gumagawa ng pribadong gawain nang walang kanyang pahintulot.
๐. ๐๐๐ ๐ค๐จ๐ฉ๐ฒ๐ ๐จ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข. Pagkopya o paggawa ng maraming kopya ng naturang larawan o video nang walang pahintulot, kahit pa pumayag ang tao sa orihinal na pagkuha.
๐. ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ญ๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ข, ๐จ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ญ. Pagbebenta, pamamahagi, o pagpapakalat ng nasabing materyal nang walang pahintulot ng taong nasa larawan o video.
๐. ๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐ ๐จ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐. Paglalabas o paglalathala ng materyal sa kahit anong paraan, tulad ng sa internet, pahayagan, o iba pang uri ng media, nang walang pahintulot.
๐. ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ฐ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฌ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐จ๐ง๐จ๐จ๐ ๐จ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ข Pagpapahintulot sa ibang tao na makita o maibahagi ang naturang materyal nang walang pahintulot, lalo na kung nalalabag ang inaasahang pribasiya ng taong sangkot.
Sa madaling salita, anumang pagkuha at paggamit ng malalaswang pribadong larawan o video nang walang pahintulot ng taong involved ay labag sa batas.
Alamin ang karapatan! Alamin ang batas!