Caguioa Malayba Law

Website

Caguioa Malayba Law Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Caguioa Malayba Law, Lawyer & Law Firm, Unit 11 Dribble and Smash Commercial and Sports Hub Brgy. Maitim, Bay.

05/09/2026

To the Examinees: Your years of sacrifice, sleepless nights, and relentless pursuit of justice all lead to this moment. Believe in your preparation, trust in your passion, and let courage carry you through, future Attorneys! โš–๏ธโœจ๐Ÿ’œ


September 6, 9, and 13

Nagpasya ang   na maaaring patawan ng parusa ng homeownersโ€™ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng k...
02/09/2026

Nagpasya ang na maaaring patawan ng parusa ng homeownersโ€™ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng kanilang kaukulang ambag o ๐˜ข๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด.

Gayunman, hindi maaaring ipagkait sa mga ito ang karapatan nilang gamitin ang mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข, kabilang ang mga kalsada sa loob ng ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ.

Basahin ang buong desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/278137-reuben-mikhail-p.../

Originally published by the Supreme Court Public Information Office.

Nagpasya ang na maaaring patawan ng parusa ng homeownersโ€™ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng kanilang kaukulang ambag o ๐˜ข๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด. Gayunman, hindi maaaring ipagkait sa mga ito ang karapatan nilang gamitin ang mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข, kabilang ang mga kalsada sa loob ng ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte ang petisyong inihain ng mga dating direktor at opisyal ng ๐™‡๐™– ๐˜พ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™– ๐˜ฝ๐™ง๐™–๐™ซ๐™– ๐™ƒ๐™ค๐™ข๐™š๐™ค๐™ฌ๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จโ€™ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ค๐™˜๐™ž๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ, ๐™„๐™ฃ๐™˜.
(Association).

Hindi nakapagbayad ang mag-asawang Linley at Juvy Retirado ng kanilang buwanang ๐˜ข๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด mula 2016 hanggang 2021. Dahil dito, itinuring sila ng Association na delinquent o may atraso sa pagbabayad at pinatawan ng ibaโ€™t ibang parusa.

Kabilang sa mga ipinataw na parusa ang pagbabawal sa paggapas ng damo o pagsasagawa ng ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ sa loob ng limang metro mula sa kanilang ari-arian; pagbabawas sa dalas ng pagkolekta ng basura; pagbabawal sa paghahatid ng pagkain, package, appliance, at gas sa kanilang tirahan; pagpigil sa mga taxi, tricycle, at ride-hailing vehicle na pumasok sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ para sunduin sila; pagbabawal sa kanilang mga bisita na pumasok sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ; at paniningil ng ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ sa mga truck at sasakyang naghahatid ng mga suplay at materyales sa kanilang construction site.

Naghain ang mag-asawa ng reklamo sa Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), na nagpasyang labag sa Republic Act No. (RA) 9904, o Magna Carta for Homeowners and Homeownersโ€™ Associations, ang mga ipinataw na parusa. Bukod dito, tuluyan ding inalis ng HSAC ang kuwalipikasyon ng mga opisyal na responsable sa pagpapatupad ng mga parusa para humawak ng anumang posisyon sa Association.

Umapela ang mga opisyal sa Court of Appeals pero hindi pinagbigyan ang kanilang petisyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naging desisyon ng HSAC hinggil sa mga ipinataw na parusa.

Itinatakda ng Seksyon 7(a) ng RA 9904 ang dalawang magkahiwalay na karapatan ng mga may-ari ng bahay o ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด: ang karapatang makinabang sa mga pangunahing serbisyo at pasilidad ng komunidad, at ang karapatang gumamit ng mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข.

Nilinaw ng Korte na maaaring magpatupad ang HOAs ng mga parusa laban sa mga miyembrong may atraso sa pagbabayad, alinsunod sa kanilang mga alituntunin o ๐˜ฃ๐˜บ๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ด. Gayunman, may hangganan ang kapangyarihang ito. Maaaring paghigpitan ng HOAs ang paggamit o pagtamasa ng mga miyembrong may atraso sa pagbabayad sa ilang serbisyo at pasilidad ng komunidad, pero hindi nila maaaring ipagkait ang karapatan ng mga ito na gumamit ng mga ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข, gaya ng mga kalsada.

Batay sa pagkakaibang ito, sinabi ng Korte na ang paghihigpit sa mga delivery, pagpasok ng mga sasakyan, at pagbisita ng mga panauhin ay tuwirang lumabag sa karapatan ng mag-asawa na gumamit ng mga kalsada sa loob ng subdivision.

Isinantabi rin ng Korte ang pahayag ng mga opisyal na hindi sapat ang bigat ng kanilang paglabag para tuluyang madiskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa Association. Ayon sa Korte, ang paghihigpit sa paggamit ng mga kalsada sa ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ para sa mahahalagang pangangailangan, gaya ng paghahatid ng mga produkto at transportasyon, ay nagdulot ng malaking pinsala at maaaring magbunga ng mapanganib na mga kahihinatnan. Dahil dito, itinuring ng Korte na sapat na mabigat at seryoso ang paglabag para bigyang-katwiran ang permanenteng diskwalipikasyon ng mga opisyal sa paghawak ng posisyon sa Association.

Basahin ang kabuuan ng ๐™‹๐™ง๐™š๐™จ๐™จ ๐™๐™š๐™ก๐™š๐™–๐™จ๐™š sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-homeowners-associations-may-sanction-delinquent-members-but-cannot-restrict-use-of-subdivision-

Basahin ang kabuuan ng ๐˜ฟ๐™š๐™จ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ sa https://sc.judiciary.gov.ph/278137-reuben-mikhail-p-sabig-et-al-vs-court-of-appeals-18th-division-cebu-city-and-spouses-linley-and-juvy-retirado/

Sumunod sa ๐˜พ๐™ง๐™š๐™™๐™ž๐™ฉ ๐˜ผ๐™ฉ๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™—๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™ฎ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Araw ng mga BayaniNgayong Araw ng mga Bayani, inaalala natin ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, a...
31/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Araw ng mga Bayani

Ngayong Araw ng mga Bayani, inaalala natin ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paninindigan para sa bayan.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanilang tapang sa ating patuloy na paninindigan para sa tama at makatarungan. โš–๏ธ

Para sa bayan, para sa katarungan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ“ข ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜Please be advised that our office will be closed tomorrow, 31 August 2026.Regular office hours will res...
30/08/2026

๐Ÿ“ข ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

Please be advised that our office will be closed tomorrow, 31 August 2026.

Regular office hours will resume on 1 September 2026 (Tuesday).

For urgent concerns, you may send us a message through our page or contact us via mobile or Viber at +63 949 809 2540.

Thank you.

28/08/2026

Nilinaw ng ang mga tuntunin sa paghahatid ng notice of dishonor sa mga kasong may kinalaman sa Batas Pambansa Blg. 22 (BP 22) o Anti-Bouncing Check Law. Pormal na kinilala ng Korte ang elektronikong paghahatid bilang isang legal na paraan ng paghahatid ng notice of dishonor, habang nagtakda ng mga pananggalang para matiyak na maaasahang mapatutunayan sa korte ang naturang paghahatid.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na nagkasala ang mag-asawang Arnel at Marivic Carlos sa anim na bilang ng paglabag sa BP 22.

Nag-ugat ang kaso nang mag-isyu ang mag-asawa ng anim na tseke para sa Tire Star bilang bayad sa mga gulong ng sasakyan. Kalaunan, hindi binayaran ng bangko ang lahat ng anim na tseke dahil sarado na ang account na pinagkuhanan ng mga ito.

Nagharap ang prosekusyon ng mga ebidensiyang nagpapakitang personal na nagtungo ang messenger ng Tire Star sa opisina ng mag-asawa para ihatid ang notice of dishonor. Tumanggi ang mag-asawa na tanggapin ito at sa halip ay inutusan ang isang empleyado na pumirma para rito.

Iginiit ng mag-asawa na dapat silang mapawalang-sala dahil hindi sa kanila naihatid nang wasto ang notice of dishonor.

Tinanggihan ng Korte Suprema ang argumento ng mag-asawa. Binigyang-diin na hindi maaaring takasan ng akusado ang pananagutan sa ilalim ng BP 22 sa pamamagitan lamang ng pagtanggi na natanggap niya ang notice o ng pagtangging tanggapin ito. Kung hindi, madaling makakaiwas sa pananagutan ang mga nag-iisyu ng tseke sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagtanggap ng notice.

Para maisulong ang pagkakapare-pareho sa pagpapatupad ng mga tuntunin, nilinaw ng Korte Suprema ang mga katanggap-tanggap na paraan ng paghahatid ng notice of dishonor.

Sinabi nito na nananatiling pangunahing paraan ang personal service. Maaaring direktang ibigay ang notice sa nag-isyu ng tseke o, kung isang negosyo ang sangkot, sa awtorisadong kinatawan nito. Kung hindi maihatid ang notice sa opisina ng nag-isyu, maaari itong iwan sa kanyang tirahan at ibigay sa isang nasa hustong gulang na residente sa pagitan ng 8:00 A.M. at 6:00 P.M.

Dapat gumawa ang taong naghahatid ng notice ng affidavit na nagsasaad kung kailan, saan, at paano isinagawa ang paghahatid. Kung praktikal, dapat idokumento ang paghahatid sa pamamagitan ng mga litrato o video recording, na sasailalim sa wastong pagpapatunay sa korte.

Kung hindi praktikal ang personal service, maaaring ipadala ang notice of dishonor sa pamamagitan ng registered mail, o kung walang serbisyong pangrehistro, sa pamamagitan ng ordinary mail. Ang taong naghahatid ng notice ay dapat ding gumawa ng affidavit na nagpapaliwanag kung bakit hindi naisagawa ang personal service at ilakip dito ang mga kaugnay na dokumento mula sa koreo.

Kinilala rin ng Korte Suprema ang elektronikong paghahatid. Pinasiyahan nito na maaari nang ihatid ang notice of dishonor sa pamamagitan ng email bilang pangunahing paraan ng paghahatid kung naibigay na ng nag-isyu ng tseke ang kanyang email address. Maaari ring gamitin ang mga plataporma gaya ng Viber, Facebook Messenger, o mga katulad na aplikasyon, bastaโ€™t mapatutunayang pagmamay-ari ng nag-isyu ang electronic account na ginamit.

Sa kanyang Concurring Opinion, sinang-ayunan ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na hindi lamang dapat magsilbing alternatibong paraan ang elektronikong paghahatid kundi isang pangunahing paraan ng paghahatid na naaayon sa makabagong pamamaraan ng komunikasyon at sa patuloy na digital na reporma ng Hudikatura.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172159.

Basahin ang Desisyon sa https://t.co/ieadvO69YM.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://t.co/S62XHKoh2g.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


26/08/2026

Nagpasya ang na hindi maaaring singilin ng bangko ang isang depositor sa perang na-withdraw nito kung ang pagkawala ng pera ay dulot ng mismong gross negligence o matinding kapabayaan ng bangko.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng BDO Unibank, Inc. (BDO) at sinabi na maituturing na matinding kapabayaan ang hindi pagsunod ng bangko sa sarili nitong patakaran.

Nag-ugat ang kaso sa pagdeposito ni Cristina Barcellano (Barcellano) ng isang regional check na nagkakahalaga ng PHP 151,200 mula sa sangay ng Landbank sa Albay sa kanyang savings account sa sangay ng BDO sa Lucena City.

Nagkamali ang teller ng BDO sa pag-validate ng tseke bilang local check sa halip na regional check. Dahil dito, na-credit ang halaga makalipas lamang ng tatlong banking days sa halip na pitong araw.

Sa paniniwalang maaari nang gamitin ang pera, nag-withdraw si Barcellano ng PHP 76,000. Di nagtagal, nakatanggap ang BDO ng stop payment order para sa tseke at hiniling kay Barcellano na isauli ang pera. Bagamaโ€™t pumayag siya, hindi niya naibalik ang nasabing halaga. Kalaunan, tumanggi ang BDO na ilabas ang natitirang balanse at nagsampa ng reklamong kriminal para sa estafa.

Kapwa pinawalang-sala ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals si Barcellano matapos mapag-alamang walang pandaraya, panlilinlang, o pang-aabuso sa tiwala sa kanyang panig, at ang sariling kapabayaan ng BDO ang naging sanhi ng insidente.

Sa Korte Suprema, hiniling ng BDO na repasuhin ang aspekto ng pananagutang sibil ng kaso. Iginiit nitong sa kabila ng pagpapawalang-sala kay Barcellano, dapat pa rin siyang atasan na isauli ang pera. Ayon sa BDO, ang pagtanggi niyang isauli ito ay nagresulta sa unjust enrichment o hindi makatarungang pagpapayaman. Dagdag nito, dahil nailabas ang pondo dahil sa pagkakamali nito sa pagproseso ng tseke, obligado si Barcellano na isauli ang pera batay sa prinsipyo ng solutio indebiti na nag-aatas sa pagsasauli ng perang natanggap dahil sa pagkakamali.

Hindi sumang-ayon ng Korte Suprema. Walang unjust enrichment dahil nabigo ang BDO na patunayang tinanggap nito ang isang benepisyo na hindi para sa kanya.

Sa kasong ito, hindi ipinaliwanag ng bangko kung bakit naglabas ng stop payment order o ipinakita na alam ni Barcellano na hindi mababayaran ang tseke. Sa halip, ipinakita ng mga ebidensiya na nag-withdraw siya ng pera nang may mabuting loob matapos mismong gawing available ng BDO ang pondo sa kanyang account.

Dagdag pa nito, ang mismong gross negligence ng BDO ang naging sanhi ng pagkalugi nito. Napag-alaman na na-credit ng bangko ang tseke bago ito maayos na na-clear, napagkamalan nitong local check ang regional check, at hindi nito natukoy ang pagkakamali hanggang sa matanggap nito ang stop payment order. Ipinakita ng mga pagkukulang na ito na hindi nasunod ng bangko ang mga pangunahing pag-iingat na nilalayong protektahan ito laban sa mga panganib na dulot ng mga tsekeng hindi wasto o hindi mababayaran.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171657.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/261264-bdo-unibank-inc-vs-cristina-barcellano-y-riego/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Sa pag-absuwelto kay Lapira, ginamit ng Korte Suprema ang naging pasya nito sa kasong Pulido v. People noong 2021. Ayon ...
22/08/2026

Sa pag-absuwelto kay Lapira, ginamit ng Korte Suprema ang naging pasya nito sa kasong Pulido v. People noong 2021. Ayon sa naturang desisyon, maaaring direktang igiit ng isang akusado sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ na walang bisa ang nauna nitong kasal bilang depensa, kahit wala pang naunang deklarasyon mula sa hukuman na nagpapawalang-bisa rito.
Ipinaliwanag ng Korte Suprema na isa sa mahahalagang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ ang pagkakaroon ng may bisa na naunang kasal. Kung ang unang kasal ay walang bisa na mula pa sa simula, nangangahulugang wala ang naturang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Sa kasong ito, sapat na patunay ang sertipikasyong inilabas ng Local Civil Registrar na walang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ na naisyu kina Lapira at Sato. Dahil dito, napabulaanan ang pagpapalagay o ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ na wasto ang marriage certificate.

Basahin ang kabuuan ng ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165698.

Inabsuwelto ng ang isang babae sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ. Ayon sa Korte, maaaring gamiting depensa ang naunang kasal na walang bisa na mula pa sa simula (๐˜ท๐˜ฐ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฃ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ), kahit wala pang naunang desisyon ng hukuman na nagpapawalang-bisa rito.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, binaligtad ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang mga naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng Pampanga at Court of Appeals (CA) na humatol kay Ma. Fe Imelda Lapira (Lapira) na nagkasala sa ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Kinasuhan si Lapira ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ sa ilalim ng Artikulo 349 ng Revised Penal Code dahil sa pagpapakasal niya kay Jimmy Fariscal habang kasal pa siya kay Takahiko Sato, batay sa ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ na inisyu ng Office of the Civil Registrar General.

Sa paglilitis, iginiit ni Lapira na walang bisa ang kanyang kasal kay Sato dahil walang isinagawang seremonya at walang naisyung ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆโ€”mga rekisitong kinakailangan para magkaroon ng bisa ang kasal. Kinumpirma rin ng Local Civil Registrar na walang rekord ng aplikasyon para sa ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ nina Lapira at Sato.

Sa pag-absuwelto kay Lapira, ginamit ng Korte Suprema ang naging pasya nito sa kasong Pulido v. People noong 2021. Ayon sa naturang desisyon, maaaring direktang igiit ng isang akusado sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ na walang bisa ang nauna nitong kasal bilang depensa, kahit wala pang naunang deklarasyon mula sa hukuman na nagpapawalang-bisa rito.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na isa sa mahahalagang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ ang pagkakaroon ng may bisa na naunang kasal. Kung ang unang kasal ay walang bisa na mula pa sa simula, nangangahulugang wala ang naturang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Sa kasong ito, sapat na patunay ang sertipikasyong inilabas ng Local Civil Registrar na walang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ na naisyu kina Lapira at Sato. Dahil dito, napabulaanan ang pagpapalagay o ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ na wasto ang marriage certificate.

Basahin ang kabuuan ng ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171178.

Basahin ang kabuuan ng ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165698.

Sumunod sa ๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐€๐ญ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ฒ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

22/08/2026

Hindi itinuring ng na โ€œadvertisementโ€ sa ilalim ng PD No. 957 o ๐˜š๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜‰๐˜ถ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ดโ€™ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ค๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ na parte ng mga โ€œwarrantyโ€ ng developer ang pangako ng ahente na mag-iisyu ng ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ matapos mabayaran ang ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ ngunit inatasan pa rin nito ang ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ na ibalik sa nakabili ang binayad matapos hindi tuparin ng ahente ang nasabing pangako.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng ng Korte Suprema ang Empire East Land Holdings, Inc. (Empire East) na isauli ang mga ibinayad ni John Edrem Bautista (Bautista) matapos itong mabigong mag-isyu ng ipinangakong ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ .

Nagbayad si Bautista ng PHP 130,000 para sa isang ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต sa Empire East na binubuo ng PHP 20,000 ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ at PHP 110,000 na karagdagang bayad. Ayon kay Bautista, nagbayad siya dahil nangako ang ahente ng Empire East na mag-iisyu ng ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ kapag nabayaran na niya ang ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ. Nang lumipas ang mahigit isang taon at hindi pa rin naibigay ang kontrata, itinigil ni Bautista ang pagbabayad at hiniling ang pagsasauli ng kanyang mga ibinayad.

Sumang-ayon ang Korte Suprema sa naging desisyon ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) at Court of Appeals na pabor kay Bautista. Pinagtibay ng Korte Suprema na karapat-dapat makatanggap si Bautista ng refund, pero nilinaw din nito na hindi saklaw ng Seksyon 19 ng PD 957 ang pangako ng ahente.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang Seksyon 19, na nag-aatas na maging totoo at hindi mapanlinlang ang mga ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต at ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ, ay nalalapat lamang sa mga materyal na inilaan para sa pangkalahatang publiko, gaya ng mga inilalathala sa mga pahayagan o ipinapalabas sa radyo, telebisyon, at iba pang katulad na paraan ng ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ. Hindi nito saklaw ang mga pangakong ginagawa ng ahente sa mga indibidwal na mamimili.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na nananatiling protektado ang mga mamimili dahil maaari pa ring managot ang mga ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ sa ilalim ng kanilang mga obligasyong kontraktuwal at iba pang naaangkop na batas.

Inatasan nito ang Empire East na isauli kay Bautista ang PHP 130,000, na may interes na 6% kada taon mula nang ihain ang reklamo noong 2012, at magbayad ng PHP 260,000 bilang ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ด o danyos na iginagawad ng mga hukuman para pigilan ang maling pagkilos at magsilbing babala laban sa mga katulad na gawain.

Basahin ang ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171359.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/05/272556-1.pdf.

Sumunod sa ๐˜Š๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


18/08/2026

GRAND LEGAL AID DAY 2026

Mga Rosense, inaanyayahan ang lahat na makilahok sa GRAND LEGAL AID DAY: โ€œSerbisyong SLR: Isang Araw ng Hustisya at Paglilingkodโ€ na pangungunahan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Southern Luzon Region, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa.

๐Ÿ“… Agosto 19, 2026**
โฐ 12:00 NN โ€“ 5:00 PM**
๐Ÿ“ City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex, Barangay Tagapo**

Magkakaroon ng mga seminar tungkol sa:
โš–๏ธ Pinalawak na Batas para sa mga Senior Citizen
โš–๏ธ Batas sa Kapakanan ng mga Solo Parent
โš–๏ธ Paghahabol ng Maliit na Halaga (Small Claims)

LIBRENG SERBISYONG LEGAL:
โœ… Libreng Konsultasyong Legal
โœ… Libreng Pagpapanotaryo ng Affidavit para sa:
โ€ข Sinumpaang Salaysay ng Solo Parent
โ€ข Pagkilala sa Pagka-ama
โ€ข Pagpapatala ng Kapanganakang Naantala
โ€ข Sinumpaang Salaysay para sa Paggamit ng Apelyido ng Ama

Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng libreng serbisyong legal at mahahalagang kaalaman tungkol sa inyong mga karapatan sa ilalim ng batas.

Ito ay libre at bukas para sa publiko.





๐Ÿฆ

Address

Unit 11 Dribble And Smash Commercial And Sports Hub Brgy. Maitim
Bay
4033

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caguioa Malayba Law posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share