13/10/2026
Alam niyo ba kung ano ang 'Unjust Vexation'?
Marami sa atin ang nakakaranas ng pang-aasar, pambubwisit, o panggugulo mula sa ibang tao, pero alam niyo bang maaari itong ireklamo sa ilalim ng batas?
Sa ilalim ng Article 287 ng Revised Penal Code, ang Unjust Vexation ay isang uri ng krimen kung saan ang isang tao ay gumagawa ng aksyon na nakakasakit sa damdamin, nagdudulot ng galit, pag-aalala, o abala sa ibang tao nang walang makatuwirang dahilan.
Ano-ano ang mga halimbawa nito?
1. Patuloy na pagtawag o pagpapadala ng mensahe kahit sinabihan nang huminto.
2. Pang-aasar, panunukso, o pambubwisit na nagdudulot ng emosyonal na pagdurusa.
3. Panghaharang o panggugulo sa araw-araw na gawain ng isang tao nang walang legal na basehan.
Ano ang kailangang patunayan?
1. Mayroong aksyon na ginawa ang suspek na nagdulot ng abala o sakit sa damdamin.
2. Ang aksyon ay ginawa nang maling intensyon (malice).
3. Walang legal o makatuwirang dahilan ang ginawang panggugulo.
Tandaan: Hindi kailangang may pisikal na pananakit para masabing may krimen. Ang seguridad at kapayapaan ng iyong isip at damdamin ay protektado rin ng batas!
May mga katanungan ka ba ukol sa usaping ito? Mag-iwan ng mensahe sa aming page para sa konpidensyal na konsultasyon.
Paalala: Para sa pangkalahatang impormasyon lamang, hindi pormal na payong legal.
⚖️